-Chapter 5-

8 0 0
                                    

Chapter 5

September 14, 20**
12:40 PM

"Matt, sa tingin mo makakalabas tayo ditoq ng buhay?" Tanong ko habang patuloy parin kaming nagtatago mula sa mga zombies na umaaligid sa paligid..

"Wag kang mag-alala boss makakalabas din tayo dito." Nakangiting saad ni Matt kaya pilit naman akong napangiti, sana nga.

September 14, 20**
3:30 AM
10 minutes before the Outbreak

Isinara ko naman yung laptop pagkatapos kong ma-irecord lahat ng mga company's stock namin this year, tinanggal ko naman yung eyeglasses ko sabay inunat ang katawan ko. Ang sakit ng likuran ko, haisht!

Napabuntong hininga na lamang  ako noong maalala ko ulit yung nangyare saamin ni Kira. Hindi sana siya nagtanim ng galit saakin.

Bumukas naman yung pinto ng opisina ko at pumasok si Matt na may dala-dalang dalawang baso.

"Boss magkape po muna kayo." Nakangiting sabi niya at ipinatong yung isang kape sa harapan ko pagkatapos ay sumandal siya sa bintana malapit saaken.

"Salamat." Saad ko.

"Yung away niyo palang dalawa ni Kira ay kumalat na sa buong internet, 'Erica Mellin's and Kira Ember fighting over the Ember's company position.'" Natatawang saad niya kaya natawa rin ako.

"Ang bilis namang kumalat ang maling balita." Sabi ko at sinamahan siya malapit sa bintana.

"Bakit kasi gusto mo siyang pagtrabuhin kong ayaw naman niya, nandyan naman ang parents niya--" mabilis ko namang pinutol ang sasabihin ni Matt

"We're already 25 Matt, ayoko namang maging isang tamad ang pinsan ko at buong araw nalang nakahilata sa condo niya habang naglalaro ng kung anumang pwedeng makuha ng attention niya. Alam kong ayaw niyang sundan ang yapak ng mga magulang niya at patakbuhin lahat ng mga negosyo nila, dahil alam niyang wala naman siyang mapupuntahan kundi mabigyan lang ng isang malaking kayamanan at kasikatan. Our world is now a judgemental society, every hour, every minute and every second kailangan mong bantayan ang mga kinikilos mo kung ayaw mong siraan ka ng madaming tao. At yun ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw niyang lumalabas sa unit niya. Simula bata palang kasi kami ni Kira, madami ng mga mapagpanggap na tao ang pumapalibot saamin just to use us for their future plans. Ilang beses na nga ring sinabi saakin ni Kira na 'The World is a Cruel and Dangerous Place.'" Sabi ko habang si Matt naman ay tahimik lang na nakikinig saaken.

"Pero ang pinagtataka ko lang ay bakit sayo naibigay ang mga ibang business nila Mr. And Mrs. Ember at hindi kay Kira?" I snickered at his question.

"Hindi ko nga rin alam kung bakit saakin ibinigay nila Tito at Tita ang mga businesses nila. Akala ko nga kung magagalit saakin si Kira dahil saakin naibigay, pero mukhang mas natuwa pa nga siya dahil hindi sakanya naibigay."

Magsasalita na sana si Matt ng bigla kaming nakarinig ng malalakas na sigawan sa labas ng opisina at malalakas na pagsabog sa labas. Nagkatinginan naman kami ni Matt at sabay lumabas ng opisina na ikinagulat namin.

There's blood everywhere at lahat ng mga tao dito ay nagsisitakbuhan at nagsisigawan. Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa paa ko.

"Ma'am Erica t-tulungan niyo po kami." Nahihirapang saad ng isa sa mga namamasukan dito sa kompanya habang nakagapang at hawak-hawak ang paanan ko.

Tinignan ko naman yung tiyan niya na punong-puno ng dugo at nakalabas pa ang kaniyang mga laman loob na ikinasigaw ko kaya nakakuha kami ng atensyon ng mga taong nasa paligid, pero mukha yatang hindi na sila tao dahil sa itsura at ikinikilos nila.

HOLY ZOMBIES!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon