Chapter 6
September 14, 20**
1:20 PMNapasandal naman ako sa kotse at patuloy paring kino-contact si Erica gamit yung cellphone o kaya naman sa Skype gamit yung laptop ko. Maayos parin naman yung Internet connection kaya wala akong problema sa net yung nga lang, ang prino-problema ko ay yung taong sinusubukan kong tawagan!
Maayos naman kaming nakalabas sa syudad at dumiretso dito sa maliit na buko malapit sa lawa, katulad ng sinabi saakin ni Erica kanina pero saan na kaya siya?
Napabuntong hininga naman ako at tinitigan yung cellphone ko na patuloy paring kino-kontact si Erica.
"Ayos ka lang?"
"The eff--" gulat na saad ko at napahawak sa dibdib ko.
"Aish't! Pwede ba, wag ka namang manggulat!" Galit na saad ko at matalim siyang tinignan, kaya napataas siya ng dalawang kamay niya bilang pagsuko.
"Tch, sorry naman."
"Isa pang gugulatin mo ako, talagang ipapakain kita sa mga hampas lupang mga zombies sa syudad."
He rolled his eyes before answering me "Sorry na nga eh, nga pala ayos ka lang? Kanina pa kasi kita naririnig na bumubuntong hininga." Tanong ni Eradriel at tinitigan ako, inilayo ko naman ang tingin ko sakanya at di-nial ulit ang cell number ni Erica.
"For your information, Mr. Police Officer Eradriel Carson. Hindi pa tayo close, I am very thankful at sinagip mo ang buhay ko kung saan nasa kapahamakan ako, pero hanggang doon lang tayo. Hindi na natin kailangan pang alamin ang isa't-isa. Dahil pagkatapos nang lahat ng ito wala na tayong pakielam pa sa isa't-isa, and do our own things in life, while trying to survive in this hellish world." Naiiritang saad ko, magsasalita na sana siya ng biglang sinagot ni Erica yung tawag ko.
"Mhay ghad Erica where are you now, kanina ka pa namin hinihintay. Nasaan ka na ba?" Nag-aalalang tanong ko pero walang suma-sagot.
"Hello? Erica?" Wala paring sumasagot sa kabilang linya at ang naririnig ko lang ay ang mga mabibigat na hininga at mga ungol. Sa di kalayuan, may papalapit na isang motor saamen at may nakasakay na dalawang tao.
Hindi ko naman maaninag kung sino sila, pero noong nakalapit na sila, ngayon ko lang napansin na si Erica pala yun at may kasamang lalake. Bumaba naman si Erica at nagma-madaling lumapit saaken at hinawakan ang magkabilang kong pisngi.
"Gosh Kira, I'm so glad your safe." Naiiyak na saad ni Erica at niyakap ako, pero patuloy parin akong tulala.
"Erica, nasaan yung phone mo?"
"Naiwan ko sa opisina-- teka nga, bakit ba yung phone ko ang hinahanap mo?" Tanong niya habang nakapameywang pa, ipinakita ko naman sakanya yung cellphone na gamit ko.
"Eh, sino tong kausap ko?" Tanong ko, kinuha naman niya saaken yung phone at inilapit sa tenga niya. Lumapit naman yung dalawang lalake saamen at tinignan yung cp ko.
"Malay mo, baka isa siya sa mga survivor at narinig yung tawag mo." Sabi ni Eradriel pero mabilis akong umiling.
"Sa tingin ko hindi eh." Saad ko at kinuha yung phone mula kay Erica at ni-loud speaker kaya nakarinig kami ng mga mabibigat na hininga at mga nakakatakot na ungol sa kabilang linya.
"He-hello, who is this?" Tanong ni Erica, pagkatapos niyang kinuha yung cp ko saaken. Tumigil naman yung mga paghinga sa kabilang linya kaya inilapit ulit ni Erica ang phone sa tenga niya.
"H-hello?"
"Tik-tik-tik-tik-tik--- scrreeeeeett-- GGGGRRRRRAAAAAAWWWWW-~!!!" Mabilis namang ibinato ni Erica yung phone ko papalayo sakanyang tenga ng makarinig kami ng malakas na ugong sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
HOLY ZOMBIES!
RandomNagkaroon ng isang 'Zombie Outbreak' sa 'Aderracan City' dahil sa isang virus na kumalat simula noong may natuklasan silang isang kakaibang hayop na nabingwit ng mga mangingisda at ibinenta sa palengke na ikinamatay ng isang libong taong naninirahan...