Chapter 1
"Heave ho! Heave ho!" Sigaw ng mga mangingisda habang tulong-tulong nilang hinihila ang mga lambat na nasa ilalim ng tubig.
"Sigurado akong madami tayong mahuhuling isda ngayon." Saad ng isang matandang mangingisda habang patuloy parin siya sa paghila ng lambat.
"Salamat naman at makakabili narin ako ng bigas namin." Saad ng isa pang mangingisda at tuluyan na nilang nahila ang lambat na punong-puno ng mga malulusog at sariwang isda.
"Teka Tiyo Amor, anong klaseng isda naman toh?" Tanong ng isang binatang mangingisda at hinawakan ang isang malaki at walang buhay na isda, mayroon itong kakaibang kulay at hugis ng kaliskis at may matutulis na ngipin.
"Mukhang kakaiba ang isdang yan ah.?"
"Basta isama niyo narin yan sa iba pang mga isda na ibenta sa palengke. Sigurado akong malaki ang makikita natin dyan dahil sa kakaibang hayop na yan." Saad ng isang mangingisda na nangangalang Amor na punong-puno ng kasakiman sa buhay.
"Opo!" Masayang saad ng iba pang mga mangingisda.
"Pero Tiyo Amor, hindi natin alam kung ayos lang bang itinda natin ito sa palengke. Paano nalang kaya kung may dala pala yang mikrobyo na pwedeng mahawaan ang mga isdang isasama natin diyan, mas maganda sigurong ibigay nalang natin yan sa pamahalaan at para malaman nila kung anong uring hayop yan."
"PWEDE BANG MANAHIMIK KA NA LANG DYAN, JUAN!"
"Oo nga! Ayaw mo bang kumita ng pera? Dahil kapag ibebenta natin yan, madami tayong perang makukuha. Naiintindihan mo ba?!" galit na saad ng mga kapwang mangingisda sa binata. Dahilan para mas lalo siyang mag-alala.
****
"First Blood!"
"Double Kill!"
"Triple Kill!"
"MANIAC!"
"SAVAGE!"
"WIPED OUT!"
"You destroyed a Torrent"
"VICTORY!!"
"Yesss oh ha! Akala niyo kung matatalo niyo ako kahit na puro toxic tong mga ka-teammates ko?!" Sabi ng isang babaeng may magulong buhok at nakasuot ng malaking t-shirt.
"Ugh come on Kira be more mature! 25 years old ka na but you look like a lazy teenager, kung sabagay tamad ka naman talaga pero-- You need to lvl up, katulad din sa pagle-lvl up mo jan sa mga games mo, look at yourself! Messy hair, inappropriate clothes, a dry saliva in your face, low level stamina, a fat tummy, unemployed woman and a messy condo. Paano mo ba natitiis ang ganitong environment?!" Sermon na saad ng isang magandang babae na nakasuot ng pang-business outfit, habang nagpupulot ng mga nakakalat na damit sa sahig at inilagay sa basket.
"Paano ba kasi Erica, masyado kang organized. Kailangan mo din kasing mag-chillax. At isa pa, anong fat tummy ka diyan payat pa naman ako ah." Sabi ni Kira habang hindi parin inaalis ang tingin niya sa nilalaro niyang laro.
Mabilis namang hinablot ni Erica ang cellphone niya at pinatay kaya bigla na lamang itong nataranta.
"Waahh Erica naman oh! Alam mo bang naka rank game ako, paano nalang kung nabawasan yung gold star ko?! Putek naman oh..."
"Get your lazy butt out of your bed, at pumunta ka na sa banyo para maligo ka! Nagmumukha kang taong grasa!."
"Pero wala naman akong pupuntahan ah, dito lang naman ako sa condo ko." Saad ni Kira habang patuloy parin niyang kinukuha ang cellphone niya mula sa kaniyang pinsan.
BINABASA MO ANG
HOLY ZOMBIES!
RandomNagkaroon ng isang 'Zombie Outbreak' sa 'Aderracan City' dahil sa isang virus na kumalat simula noong may natuklasan silang isang kakaibang hayop na nabingwit ng mga mangingisda at ibinenta sa palengke na ikinamatay ng isang libong taong naninirahan...