Chapter 1

15 3 0
                                    

Leimin's POV

*Kinabukasan*

Nagmamadali akong kumain dahil mahuhuli na ako sa klase ko.. Napadaan ang tingin ko sa lalakeng kanina pa akong pinagmamasdan na nasa harap ko ngayon.., Ano ba 'kaseng problema ng lalaking 'to at ginagambala pa'ko tsk...

"Wala ka bang balak pakainin ako? nagugutom na ako" aniya habang nakasimangot. Tinaasan ko siya ng kilay na may halong pagtataka "huh? ikaw nagugutom? diba multo ka?" sagot ko sa kanya at mas lalo niya pa akong sinimangotan.

"Hindi ako multo" pabalik na sagot niya. Inirapan ko nalang siya at dali-dali 'kong kinuha ang bag ko.

" Uyy! saan ka pupunta? 'diba ang sabi mo tutulungan mo'ko? " pagpapa-tigil niya sakin at hinarap ko siya.. "Sa tingin mo talaga tutulungan kita? eh hindi nga kita kilala na maski pangalan mo hindi ko alam, at pwede 'ba? umalis ka nalang" matigas na sambit ko..


******************

Habang naglalakad ako sa pasilyo ay nakita ko si Yvette sa 'di kalayuan na kumakaway sa'kin... Kumaway 'din ako pabalik sa kanya at nagtungo sa direksyon niya.

"Bes! may chika ako! may bago na akong jowa!" masaya niyang aniya na may halo pang pagpalakpak na parang bata na halos mapunit na ang labi sa sobrang lawak ng 'kanyang ngiti. Napailing lang ako sa sinabi niya dahil nababaliw na naman siya "Nag hiwalay na kami ni Sungjae bes pero may reserba naman ako e, si bebe Eun Woo ko hihihi" oh diba? ganyan siya kabaliw sa korean drama pero hindi ko naman siya masisisi, dahil mas adik pa'ko dahil may jowa din ako, si Ahn Jae Hyun.

"Hay 'nako Vette! balang araw talaga pupunta tayong korea at pakasalan natin 'yang mga bebe natin" tawa-tawa kong sagot.

"Sabi mo yan ahh"

At sa di kalayuan nakita ko na naman 'yung lalaking nangungulit 'sakin..

"Huy!" nagulat ako sa marahan na pagkalabit sa akin ni Vette na dahilan para mapaiwas ako ng tingin 'dun sa lalaki..

Eh 'ba naman 'kasi hindi ko na napansin na nakatitig pala ako 'dun sa lalaki habang nag sasalita siya.

"Nakikinig kaba lei?, kanina pa'ko nag-sasalita dito. At tila lutang ka!" Inirapan ko'na lang siya sabay simangot na ikina-taas ng kanang kilay niya.

"Eh 'kasi naman, nakakakita ako ulit" Sabi ko sa kanya

"Aray!!!" Dagdag na sabi ko na may halong gulat sa ginawa niya, dahil hinampas niya ako na kay lakas-lakas. Mabigat pa naman ang kamay ng babaeng 'toh

Alam niyo naman pag mataba talaga hahaha charot! 'Wag kayo! maganda si Vette kahit chubby, ang dami ngang nanliligaw sa kanya 'kaso ayun bigo lang 'din lahat, gawa ng mataas ang standards niya pagdating sa lalaki.

"Hala ka lei! Seryoso!!" Pagulat na tanong niya.

"Hindi, joke lang! nagbibiro lang talaga ako" Sarkastikong sagot ko.

Minsan napapatanong nalang ako sa sarili ko kung paano ko naging kaibigan 'toh hahaha

Pero kahit ganyan 'yan mahal ko yang babaitang 'yan.

Simula kasi pagkabata, magkaibigan na kami. Sa katunayan, magkapit bahay kami dati noong mga maliliit pa kami kaso ayun, 'nung nangibang bansa 'yung papa niya, lumipat sila ng bahay na pinatayo nila. Doon sa sariling bahay na nila dahil nangungupahan lang kasi sila doon kila aling Marta sa babaeng nag papa-upa sa mga bahay-bahay.

'Nung lumipat sila, akala ko hindi ko na siya makikita. Pero simula kinder hanggang grade 10 mag kaklase kami. Syempre kung saan siya 'dun na rin ako, at kung saan naman ako ay 'dun rin siya kaya halos magkamukha na kami dahil sa ilang taon 'ba naman kami naging magkaibigan at laging magkasama

At ngayong grade 11 kami, syempre mag kaklase pa rin kami. Kahit sa strand magka-parehas kami.

Abm strand ang kinuha namin, dahil nga gusto ni Vette maging CPA (Certified Public Accountant) at ako ayun no choice ako kasi walang HUMS na strand ang school na pinasukan namin, sa madaling salita, nahila lang ako ni Vette.

Pero 'di naman ako nag-sisi dahil nagugustuhan ko'na din 'tong strand na pinasukan ko...

"Hay naku lei, 'yung seryoso 'kase" Naiinis na aniya na pansin 'mong nagsisimula ng matakot dahil takot siya sa multo.

"Oo nga seryoso ako" Sabi ko nang di'na siya mainis sakin hahaha baka mahampas ulit ako e.

"Ano naman itsura? ayos ka lang 'ba? may ginawa ba siyang masama sayo? alam ba ni tita ito?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Hindi, normal lang yung itsura niya. Di nga siya mukhang multo e, kasi ang gwapo" sagot ko na dahilan para magsalubong ang mga kilay niya pero agad 'ding napalitan ng saya ang mga mata niya. Natawa nalang ako sa naging reaskyon niya.

" Gwapo?? Ano naman itsura?" Mabilis na tanong niya, hay naku pag dating sa gwapo ang linaw ng pandinig

"Matangkad" Sabi ko

"Tapos?"

"Tapossss, Tapos naa" sagot ko hahahaha

"Hay naku bess, eh bat dimo tulungan?" mungkahi niya.

"hindi ko alam" naging tanging sagot ko nalang.

"Bes, wala naman siya siguro siyang masamang intensyon sayo di'ba? bakit hindi mo subukan na tulongan siya dahil ba'ka nga kailangan niya talaga ng taong tutulong sa kanya." napa-isip ako sa naging tugon ni Vette. Bakit nga ba hindi?

Kung tutulongan ko siya, may posibilidad narin naman siguro na tantanan niya ako di'ba? dahil mukhang wala siyang balak na umalis hanggat hindi nakukuha ang tulong ko.

__________

Dyelam

Ghostly LoveWhere stories live. Discover now