Chapter 2

15 3 0
                                    

Leimin's POV

Pag-uwi ko ng bahay ay napag isip-isip ko ang sinabi ng kaibigan ko tungkol sa pagtulong sa lalaking 'yun...

" Psst " Napalingon ako sa pinang-galingan ng pag-sitsit nung lalaki mula sa sala na prenteng-prente ang upo.

Aba naman talaga ohh!!!Hay naku buti na lang at multo' to at di nakikita ni mama ang upo niya.

Ayaw pa naman ni mama ang pinapatong 'yung paa 'dun sa mamahaling niyang mesa na babasagin.

"Multo sumunod ka sa'kin" utos ko sa kanya na agaran naman siyang tumayo mula sa kanyang pagkaka-upo.

Nagsimula na akong naglakad at umakyat patungo sa kuwarto dahil pag-uusapan namin yung tungkol sa pagtulong ko sakanya, dahil hindi naman puwedeng sa sala dahil 'baka makita pa ako ni mama na nagsasalita mag-isa dahil hindi naman niya nakikita ang lalaking 'to.

At isipin pa ni mama na baliw ako.

"Anong gagawin natin sa kuwarto? oyyyy ikaw ahhhhh" may halong panunukso nitong sabi dahil nahalata na atang doon kami patungo.

"Bata pa ako ate" dagdag pa na panunukso ne'to kaya sa sobrang inis ko, kinuha ko ang tsinelas ko at binato sa kanya.

"Leimin anak! ano 'bang ginagawa mo! muntik mo na'ko matamaan" hindi ko namalayan ang pagdaan ni mama sa direksyon ni multo kaya muntik na siyang matamaan ng tsinelas na ibinato ko...

"Ma! may malaking ipis kase!" pagpapalusot ko at nakita ko naman ang pagtawa nung multo.

Nakakainis na talaga siya!

"Naku! bumaba ka dito at kusa mong patayin hindi 'yung manghahagis ka bigla ng tsinelas dyan. Napakalinaw naman ng iyong mata Lei para makita ang ipis mula rito." pagtataka ni mama.

"Basta ma! may ipis nga!" patuloy ko paring palusot. "oh e'to mag tsinelas ka 'baka mamaya maapakan mo 'yung ipis" pabalik na bato ni mama sa tsinelas ko at umalis na.

"Ang sakit ng tsinelas mo! hindi ka ba hihingi ng paumanhin sa'kin?" reklamo ng epal na multo na nasa tabi ko na pala.

Hindi ko 'muna siya sinagot hanggat hindi kami nakakapasok ng kwarto dahil baka mahuli ako ni mama..

"Ang kapal mo kaseng bwisit ka! baka maabutan lang ako ni mama na nagsasalita mag-isa sa baba kaya naisipan 'kong dalhin ka dito sa kuwarto ko!" matigas kong ani sa kanya nang makapasok kami ng kwarto..

"Oh sige, tinatanggap ko na ang palusot mo." sabay ngiti niya na nang-aasar.

"Kapag hindi ka tumigil wala kang matatanggap na tulong sakin! nanggi-gigil na ako sayong multo ka!" pagbabanta ko sa kanya at itinikom na ang bibig...

Nasobrahan ng lakas ng loob 'tong lalaki na 'to grabe! parang nag-iiba na tuloy takbo ng isip ko. Huwag ko na atang tulungan.

Naging maamo ang kanyang mukha na tumingin sakin at..."tutulongan mo'ko diba?" mahinang aniya at biglang nawala 'yung inis ko nang bumakas ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha na napalitan ng lungkot.

Bago pa'ko makasagot sa tanong niya ay sinimulan na niya ang pag-kwento..

"Ganto kase 'yun, isang umaga, nagising ako sa isang liblib na lugar, at tila may naririnig akong malaking boses na paulit-ulit na sinasabing" patayin mo ang unang taong makakakita sayo upang ika'y makabalik sa iyong katawan " nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong nakaramdam ng takot at kaba.

"Doon ko lang napagtanto na isa na lamang akong kaluluwa. Noong una natatakot ako na 'baka patay na nga talaga ako. Pero kailangan ko lang hanapin ang katawan ko upang makabalik." patuloy lang ako sa pakikinig sa kanya pero ayaw mawala ang takot sa akin sa nabanggit niyang kailangan niyang patayin ang unang taong makakakita sa kanya.

"Lei" nabalik ako sa katinuan nang tinawag niya ang panagalan ko at hinawakan niya ang braso ko.

"Wag kang mag-alala dahil hindi ko kayang gawin na patayin ka. Ang gusto ko lang ay tulungan mo'kong mahanap ang katawan ko at makilala ko ang mga magulang ko." napansin niya 'yata ang takot ko sa sinabi niya.

'Di ko alam kung magtitiwala ba'ko sa lalaking 'to, dahil sa pagkakaalam ko, ako ang unang taong nakakakita sa kanya. 'Baka anumang oras ay magawa niya akong patayin! huhu ayaw ko pang mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay ko, at gusto ko pa maranasan magka-jowa

Ilang segundong katahimikan nang magsalita ulit ito...

Nanatili lang ako sa pakikinig sa kanya at hindi ko na nagawa pang umimik.

"Pero 'nung makita at mahawakan kita, biglang sumakit ang ulo ko at may mga bagay na naalala ako. Naalala kong tumatakbo ako na para bang may humahabol sa'kin. At 'nung huminto ako sa may tawiran, may biglang tumulak sakin mula sa likuran ko na dahilan ng pagka-bangga ko sa truck"

Ilang saglit, napa-isip ako sa sinabi niya. Baka nga 'yun ang sinapit niya? Siguro na-aksidente siya at ngayon, isa lang siyang naliligaw na kaluluwa.

"Leimin sana maniwala ka na hindi kita kayang saktan, dahil ikaw ang suki para makilala ko yung sarili ko at mahanap ang pamilya ko" aniya.

Hay nakuu siguraduhin niya lang na walang mangyayari sakin na masama dahil kung hindi isusumpa ko siya.

Pero mukha naman siyang nag sasabi ng totoo. Kaya kahit ngayon lang, may matulungan ako.

"Alam mo ba kung saan ka nakatira?" tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya bilang sagot na hindi niya alam.

"Wala na akong iba pang maalala. Hindi ko alam kung saan ako nakatira at kahit ang pangalan ko ay hindi ko alam"

"Pero paano k--" napatigil ako sa pagsasalita ng napadaan ang tingin ako sa mala toxido niyang uniform na may nakasulat sa kaliwa na "Zaidy" at mukhang 'yun ang pangalan niya. Nakita ko rin 'yung I.D lace niya na nakasulat ay Senior High School pero wala nang I.d na nakasabit pa.

Sa loob ng tatlong araw na kasama ko 'tong lalaki na 'to, ngayon ko lang napansin 'to.

" At Zaidy ang pangalan mo?" napapikit ako ng mariin dahil sa katangahan ko dahil hindi nga pala niya alam ang pangalan niya pero tinanong ko pa

"Zaidy??" pagtataka niyang tanong.

Napatango lang ako bilang sagot at itinuro kung saan nakalagay 'yung pangalan na tinutukoy ko.

"Sa tingin ko ay 'yan ang pangalan mo" wika ko

Ilang saglit na napapatitig siya 'dun at muling ibinalik sa'kin ang tingin at unti-unting gumuhit ng ngiti sa kanyang labi.

"May pangalan na ako!" Masaya aniya "At ang guwapo pakinggan. Sakto sa mukha ko dahil gwapo ako! kaya wag mo na akong tatawaging multo" dugtong pa niya.

Bumilog ang mata ko dahil sa bakas sa mukha niya ang pagmamayabang.

Binuhat sariling bangko.

__________

Dyela

Ghostly LoveWhere stories live. Discover now