Chapter 3

26 1 0
                                    

Leimin's POV

Sabado ngayon kaya napag isip-isipan 'ko g maglakad-lakad gaya ng aking nakasanayan.

Nagtungo ako sa likod ng bahay namin dahil marami doon ang nag-gagandahang mga bulaklak na itinanim ni mama at maraming matatayog na puno. Mga ganoong lugar ang masarap pagtambayan para sa akin.

Ng makarating ako sa paroroonan ko ay pinagmasdan ko ang mga bulaklak pero napasulpot ni Zaidy na ikinagulat ko.

Okay, tatawagin ko na siya sa pangalan niya pero 'di ako sumasang-ayon na guwapo siya. Pero gwapo naman talaga siya pero sikreto na lamang 'yun. Pumitas siya ng isang bulaklak at inamoy ito habang naka-pikit pa ang mata na animong bangong-bango sa bulaklak.

Haha bading. Nasabi ko na lamang sa isip ko.

Umupo ako sa lilim ng mangga 'kung saan ko nakita si Zaidy dati. Napapikit ako at pinakiramdaman ang simoy ng hangin at ang magandang tanawin.

Naramdaman ko ang pagtabi ni Zaidy sa akin at kinalabit ako. "Natutulog kaba?" rinig 'kong tanong niya.

"Wag mo 'muna akong kausapin at wag ka maingay" wika ko na habang nakapikit parin ang mga mata

Mukhang masunurin naman siya dahil wala na akong narinig pa na mula sa kanya at pinili ng manahimik.

*********

" Kung ako ang may ari ng mundo

bibigay ang lahat ng gusto mo

Araw-araw pasisikatin ang araw

Buwan-buwan pabibilogin ko ang buwan,

para sayo, para sayo~~ "

Naalimpungatan ako sa aking narinig na magandang boses. Diko namalayan, nakatulog pala ako. Napakusot pako sa mga mata ko at 'don ko lang napagtanto na nakasandal pala ang ulo ko sa balikat ni Zaidy. Inalis ko kaagad ang ulo ko sa kaniyang balikat dahil nakaramdam ako ng hiya.

Inaamin ko na napakaganda ng boses niya at napakalamig. Ang sarap sa tenga.

"Oh, gising ka na pala." ani niya

"Oo, ang pangit kase ng boses mo!" pagsisinungaling ko "Diba sinabi ko sayo na 'wag kang maingay?" dagdag ko pa

"Ganun ba? pangit ba ang boses ko? sige, sa susunod hindi na ako kakanta. Naririnig ko lang naman 'kase na paulit-ulit 'mong pinapatugtog 'yun kaya sinubukan ko rin na kantahin 'kase halos kabisado ko na" malungkot niyang wika at mukhang nasaktan sa sinabi ko.

Nakonsensya ako. Maganda naman 'kase talaga boses niya pero kapag sinabi ko 'yun sa kanya baka magyabang siya, at lumaki pa ang ulo.

Di ko namalayan na mag aala sais na pala. Ang sarap naman kasi ng tulog ko, ang lamig pa ng simoy ng hangin.

kung pwede nga lang dito nako mag kuwarto. Maganda din kasi dito pag madaling araw sa kadahilanang sa pagsikat ng araw.

Tumayo nako at bumalik sa bahay, dahil magsasaing pako para sa panghapunan namin.

"Ohh anak san ka galing?" Tanong sakin ni mama ng makita niya akong papasok sa pinto. "Sa hardin lang po mama, nakatulog nga po ako dun e" May pagkailang na sagot ko, pero ayos lang, alam ko naman na sanay na si Mama

Tyaka alam ni mama kung saan ako hahanapin pag wala ako sa bahay, dahil nga doon ako lagi tumatambay lalo na kung wala ako magawa sa bahay.

"Ano pa bang bago,lagi ka naman nakakatulog dun. At buti nga di ka nagkaka- dengue. Nakuu!! uso pa nmn ang dengue ngayon kaya bawas bawasan mo din pag punta mo muna doon" hay nakuu wala namang lamok doon sa kadahilanang marami ding tanim si mama na oregano.

"Maaa baka nakakalimutan mo, madami ka kayang tanim na oregano doon. Kaya kahit papaano may pangkontra tayo sa mga lamok" sabay kindat kay mama. At nakita ko naman na ngumiti si Zaidy kaya tinarayan ko siya.

"Aba! tinatarayan moba ako?!" sagot ni mama

"Poo? Maaa talaga hindi ahh napuwing lang ako" Hayss ano nmn kayang klaseng dahilan yun

"Hay nakuu!! magsaing kana nga doon at dadating ang tiya lina mo, dito daw sila maghahapunan" hayss lagi naman, pero, ayos lang lagi naman silang may dala na puto hehehehe.

__________

Dyela

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ghostly LoveWhere stories live. Discover now