Prologue

18 3 0
                                    

Leimin's POV

Hi, ako si Leimin Madrigal. Nakakakita ako ng mga ligaw na kaluluwa at sa madaling salita ay may third eye ako ngunit dati lamang 'yun. Simula 'nung isang nakakakilabot na pangyayari sa akin dati ay takot na akong makakita ng 'kung ano pang mga kaluluwa na dahilan upang ipasara ang aking third eye. Ngunit ang sabi ng matandang esperitista sa akin ay darating 'daw ulit 'yung araw na muling mabubuksan ulit ito.

"Lei! bumili ka nga 'muna ng isang boteng mantika sa labas " Sigaw ni mader mula sa kusina at agad ko naman kinuha 'yung pera na pambili.

Hindi naman kalayuan ang tindahan kaya nakabalik ako kaagad sa bahay, ngunit habang naglalakad ako ay napatingin ako sa gilid ng bahay namin dahil mayroong malaking puno ng mangga doon.

Nang may maaninag akong isang lalaking na naka school uniform at pinukaw nito ang atensyon ko. Matangkad siya, at chinito.

Pero umiwas na lang kaagad ako ng tingin dahil 'baka guni -guni ko lamang ito. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako ng bahay.

Nang 'bubuksan ko ang gate ng bahay namin ay napatigil ako nang may malamig na ihip ng hangin ang dumapo sa balat ko at tumayo lahat ng balahibo kooo.

"Nakikita mo ako hindi 'ba?"

Laking gulat ko ng makita ko 'yung lalaki kanina sa puno ng mangga.

At sa sobrang gulat ko, muntik ko 'nang mabitawan ang hawak-hawak kong bote ng mantika dahil sa biglaang pag sulpot niya . Hindi ko na lamang ito pinansin at nag panggap na parang walang narinig.

'Dun ko rin kasi na kumpirma na isa siyang multo. Pero wala siyang ano mang bahid na dugo sa 'kanyang mukha o katawan na gaya ng mga karaniwang nakikita ko.

Nang mabuksan ko ang gate ay nagmamadali akong naglakad hanggang sa may biglang sumulpot na naman sa harapan ko nang dahilan ng ika-tigil ko. Agad ko siyang hinarap habang na estatwa na ako sa kina-tatayuan ko. Napatitig ako sa mga mata niyang seryoso at bahid ang pangangailangan ng tulong.

Bigla niya ako hinawakan sa braso.

"Nakikita mo ako, wag mo ipagka-ila! sa lahat ng taong tinitigan at hinawakan ko, ikaw lang ang napansin 'kong tumugon! at halatang nakikita ako"

Bigla ako nabalik sa katinuan at nakaramdam ng inis dahil sa pag-hawak niya ng  braso ko at pagsigaw sa akin.

"Lumayo ka sakin!" Pabalik na sigaw ko sa kanya at umiwas ng tingin.

Aba palaban to uyyy!!

Pahakbang na sana ako para umalis pero napatigil ako nang sinambit niyang sumasakit ang ulo at dibdib niya.

Binalingan ko lamang siya ng tingin at pumasok na ako sa bahay dahil mas natatakot pa ako sa sermon ni mama dahil sa pinabili niya.

Naramdaman 'kong parang may sumusunod sa'kin mula sa likuran, pero hinayaan ko na lang iyon. Nagtungo ako sa sala para ayusin ang mga gamit roon pero nakita ko yung lalaki na naka-upo sa sofa na parang bisita kung umasta. Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin at nag-iba nalang ng direksyon na patu-tungohan at sa aking kwarto ako pumunta.

Pagkasara ko ng pintuan ay sumalampak nalang ako sa kama pero nakita ko 'yung lalaking nasa kabilang gilid lang ng kama ko. Hindi na'ko magtataka dahil multo nga siya diba? kahit pa siguro i-lock ko ang pintuan ng kwarto ko, makakapasok parin siya.

Bigla siyang nagsalita nang pinikit ko na ang mga mata ko.

"Hindi ako masama, kailangan ko lang talaga ng tulong mo" Sambit nito pero mabilis ako madatnan ng antok kaya hindi ko na pang magawang idilat ang mga mata ko.

"Psssst" Pangungulit niya

At dahil matigas ako at naantok na rin, Aba! bahala siyaaaa

"Psssssssst"

Sundot dun, Sundot dito, Ehh ako may kiliti pa naman sa tagiliran.

Kaya ayun nagkaka-tugon ako sa bawat sundot niyaaaa

"Ano ba!" Sigaw ko sa kanya at tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Sorry, kailangan ko lang talaga ng tulong mo" Sabi niya.

"Pwede ba bukas na lang? Naantok ako" Sabi ko ng di na mangulit...

"Talaga?!" Kita ko ang 'yung saya sa mata niya ng marinig niya 'yung linya na "bukas" na para bang nangangahulugan sa kanya na "Sige bukas tutulongan kitaa" at tuluyan na akong nakatulog.

__________

Dyela

Ghostly LoveWhere stories live. Discover now