"I remember that day, it was raining yet the sun shines within your eyes"
-CHEMICOLOGY******
Palabas na siya ng school gate nang biglang bumugso ang malakas na ulan dahilan ng kaniyang pagtakbo. She's almost in the waiting shed nang mahulog ang dala niyang mga gamit.
"Ow sh*t, kung minamalas ka nga naman", pabulong niyang sambit habang bahagyang naka-upo at nagmamadaling pinupulot ang mga gamit.
She's already wet now.
Napahinto nalang siya sa pagpulot nang maramdaman niyang sa kabila ng malakas na pag-iyak ng langit, ay tila ang bawat patak ng ulan ay tumigil na sa pagdapo sa kaniyang katawan. Napansin niyang mayroon siyang katabi kaya't siya'y tumingala upang tignan kung sino ang taong iyon, ngunit dahil sa sinag ng ilaw at lumabong salamin hindi niya matukoy ang taong ito.
"Miss masama ang nagpapa-ulan baka magkasakit ka niyan, sige ka uso pa naman ngayon ang Pulmonia", ani ng lalaki.
Matangkad ito at may baritonong boses.
Matapos pulutin ng binibini ang kaniyang huling gamit na nasa basang sahig ay saka siya tumayo, pinunasan ang basang salamin at isinuot, napatitig siya ng saglit sa ginoong nasa harapan niya. Natunghayan niya ang mala-luntian nitong mga mata, sa gitna nun ang kaniyang katamtamang tangos ng ilong, at sa ibaba naman ang mapula at may konting nipis na labi na kapag ngumiti agad iyong mas numinipis, dahilan upang mailantad ang pantay at mapuputi nitong mga ngipin, mga katangiang nagpapa-alala sa kaniya sa isang taong napakahalaga sa kaniyang buhay .
"Miss baka matunaw ako sa titig mong 'yan?", naputol ang paglalakbay ng kaniyang mga mata nang magsalita nang pabiro ang lalaki.
"Payong? o ako?", tanong pa nito sabay ngisi.
"Sorry I don't talk to strangers", walang kabuhay buhay na sagot nito sabay nagmamadaling lumakad paalis, marahil dahil papalakas na ang ulan.
Sa kabila ng mabibilis na hakbang, hinabol siya ng ginoo at malakas na sinabing," Teka, I'm Kevin L. Cervantes", sabay hawak sa pulsuhan ng binibini.
"Ano bah! sinabi ko na ngang hindi ako nakikipag-usap sa mga estrangherong katulad mo!", naiirata nang saad nito.
" Narinig mo ba ang sinabi ko?" tanong ng mapang-asar na lalaki.
"Oo, hindi ako bingi, ang sabi mo you are Kevin L. Cervanters", sagot niya.
" Oh yun naman pala eh, kilala mo na ako, so I'm not a stranger anymore", nangaasar pang saad ng lalaki.
"you're so annoying, Can you please, leave me and get away this umbrella of yours? kita mo na ngang pagud na yung tao, nahulugan pa ng mga gamit sa gitna pa ng pagbuhos ng ulan, tapos mang-iinis kapa." kalmado ngunit galit na saad niya na siyang nagpaalis sa lalaki.
" Wala naman akong masamang intensiyon, pero Okay fine, ayaw mo ng payong di 'wag", saad ng lalaki sabay unti-unti ng lumayo.
Lumayo na siya tutal may waiting shed sa bus stop para masilungan niya.
siya na nga itong tinutulungan tapos siya pang galit, I don't talk to stranger ( with matching panggagaya sa action nito). Galit na galit? gustong manakit? Mga tao nga naman.
Habang naghihintay ng bus, pansin pa rin niya ang matipunong lalaki, he's at the right side of the bus station, wearing a gray hoodie habang naka-earphone at nakatagilid na nakasandal sa shed.
Hindi na niya ito pinansin na para bang hindi niya ito nakilala kani-kanina lang.
Her mind is floating on the universe of the stranger he met hanggang sa nagvibrate yung phone niya.
"Hello Doc, Yes I'm on my way, nasa bus station, medyo stress lang, okay Bye"
Sa wakas at may huminto ng bus. Without aircon ang sinakyan niya, kaya umupo siya malapit sa bintana upang makalanghap ng sariwang hangin habang siya'y nasa biyahe. She sitted at the left side of the bus dahilan upang mahuli niyang nakatingin ang lalaking nag-alok ng payong, he was smiling and it makes him to be more good-looking in addition of his wet hair.
"INGAT!", sigaw nito.
Narinig niya iyon kaya siya napangiti. Narinig niya iyon kahit umandar na ang bus.
That young guy. Mukha naman siyang mabait, malas lang niya at nasungitan ko siya. What kind of a day this is?, KEVIN L. CERVANTES.
A professor and a registered nurse. She had dream to become a doctor, but because of some problems napilitan na lang siyang magturo sa University kung saan siya grumaduate. She had no choice kaya she decided to give up her dream to be.
Kakatapos lang niyang ayusin kanina ang napakaraming student form sa faculty room, magdamag siyang naroon the reason why she didn't meet the Med-Tech class kanina kaya she has no choice but to ask Mr. Pinlac to be her subtitute.