(Boy's p.o.v.)
Minsan, walang ibang mas masarap sa pakiramdam kundi ung pagiging magisa. Yung nakakapagisip ka ng walang bumabagabag sayo. Yung lahat ng pumapasok sa isip mo, crystal clear. Masarap sa feeling ung nakakahinga ka ng maluwag at walang nakakapigil sayo. Yung feeling na..malaya ka.
Pero..aanhin mo ang kalayaan kung magisa ka diba?
I sighed. It's time to face reality. Sabi nga nila, paano ka aabante kung lingon ka ng lingon, edi nabunggo ka na. tanga lang? aabante nakatingin sa likod?
move on daw, di uso sakin yun.
Cause it still f***ing hurts. And the pain just got even more unbearable when I saw other teens my age hugging their parents farewell when I'm standing here all alone..
My hands curled into tight fists as jealousy rose from my chest. Saklap ano po? Bakit ako pa?
I stared at them. Kung paano sila yakapin ng magulang nila pero sila, umiirap lang kasi nahihiya sila.
Pasalamat ka nga may magulang ka pa eh. I wanted to punch them. They don't f***ing know how lucky they are. Huminga ako ng malalim at dumeretso sa office. Sayang lang oras ko kung sasaktan ko lang sarili ko ng paulit ulit sa kakatitig. Magmumukha pa akong baliw.
Hindi ko alam kung mabagal lang ba ako maglakad, o talagang slow mo lang ung paligid ko. Pero feeling ko, ang tagal bago ako makalayo sa kanilang lahat. I wanted an escape.. cause that's all that I've been good at ever since.
"Uh..Goodmorning po?" sabi ko. Hindi usual na mag po at opo ako kaya..mukha akong baliw na batang kakatuto palang magsalita.
"Goodmorning. Freshman?" I nodded. Inabot ko sa kanya ung requirements na di ko naman naintindihan pero pinapapasa kaya pinasa ko nalang.Tinignan nila ito at tinype bago may iprint. May inabot silang papel sakin.
Room 218, Marcos Wing
"Thank you." huli kong sabi bago ako umalis.
Oras na para maghunting. Leche, wala pa naman akong sense of direction.
**
After one decade, two additional years, nine months, two weeks, four days, seventeen hours, three minutes and twenty seconds, I have succeeded. Akalain mo yun? Umabot nako sa kabilang dako ng mundo. Sa katabing building lang pala yung dorm ko. Yung totoo? Hindi ba ako tatantanan ng buhay? Lakas ng trip ako lagi biktima.
Tinitigan ko ung pinto. May room mate kasi ako. I closed my eyes. This will be new for me, having someone close to me while I sleep, or while I'm doing basically anything. But still, I will never feel safe. I will never be at peace.
Kumatok ako.
Wala.
Kumatok ulit ako, baka sakaling busy siya.
Wala parin.
Naiinip nako. Sinusubukan kong buksan ung pinto, nakalock.
Bakit hindi nila ako binigyan ng susi?
Istorbo, ayoko namang bumalik para lang sa susi. May dumaang babae, napatingin ako.
"Miss, may clip ka sa buhok?" tanong ko.
"Meron."
"Pwedeng mahiram?" ngumiti akong pamatay. laki ng ulo ko eh noh? She seemed dazzled anyways so I don't really care.
Kinuha niya sa bag niya, "Kahit wag mo nang ibalik. Souvenir nalang yan para maalala moko." sabi niya.
"Salamat." Di ko siya type.
I worked my magic. What the hell? Magic daw.
After years of practice, mastered ko na ang pick lock kaya nakapasok ako agad. Pagpasok ko, nakita ako ang isang nakahilatang lalaki sa kama na mukhang hindi pa nakakatulog ng ilang taon.
So siya pala room mate ko? Nice.
Inayos ko gamit ko. Hindi ako ung taong aayusin agad ung gamit pero naisipan kong gawin narin since tulog pa ung room mate ko.
Ilang oras ang lumipas, bagsak parin siya sa kama. Nakatulog ba to kagabi? Parang hindi. Kinuha ko phone ko sa mesa at lumabas.
No other better time to look around than today. I looked around, the halls, the rooms. Sinubukan kong kabisaduhin, kahit papaano, naaalala ko naman. Lumabas ako, nilibot ko ung campus. Hindi nagtagal, may nakabunggo ako.
Nabigla ako at napahawak ako sa nakabunggo ko.
"Sorry." sabi niya. So she's a girl. Tinignan ko lang siya. She wasn't looking at me. Nakatingin lang siya sa lapag. Umikot siya at umalis agad.
Weird.
She's alone. But she seems like the type of girl who would be coming on her first day with her parents. Pero hindi, parehas kami. Magisa.
Tinitigan ko siya ng umalis siya palayo.
At dun na nagsimula ang pagtataka ko sa kanya. Buong araw, siya lang nasa isip ko.
Who are you?
BINABASA MO ANG
CROSSROADS
Teen FictionWe were both negatives brought together by faith to find a way to become positives.