Prologue

78 13 16
                                    

Prologue




Hindi naman kalayuan ang University na pinapasukan namin pero sobrang bilis pa rin ng patakbo ni James ng sasakyan, kulang na lang ay lumipad kaming lahat. Hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school ay walang tigil ang mga lalaking kasama ko sa pag aasaran.


"Akala ko mamamatay na 'ko." biro ni Matthew habang pababa ng kotse.


"Edi sana nagdala ka ng sarili mong kotse." inis na sagot ni James.


Napairap na lang ako sa ere dahil sa kanilang dalawa. Walang pinagbago, madalas silang hindi magkasundo kahit sa maliliit na bagay.


"Guys ano ba? Tumahimik na kayo, kanina pa kayo." saway ni Perk sa dalawa. Kanina pa rin siya iritable sa asaran nila Matthew at James. Buong byahe namin hindi tumahimik ang atmosphere dahil walang gustong magparaya sa kanilang dalawa, at nakisawsaw pa si King.


"Tama na yan boys, tara na." sita ko sa kanila at pumagitna ako para tumigil na.


Tuminag si James at naunang maglakad papuntang main gate ng school.


Mabilis namang hinila ni Matthew si Perk na walang nagawa kung di ang sumunod. "Hatid mo ko sa room, Perk. Mambababae na naman yan si King." sabi ni Matthew nang hatakin din ako ni Perk kasama nila.


Hindi na 'ko nakaangal sa higpit ng hawak ni Perkson habang kinakaladkad siya ni Matthew papuntang CE building.


"What the hell Matthew? Can you please walk slowly, we're not your dogs, okay?!" reklamo ni Perk habang inaagaw niya yung braso niya kay Matthew. Nakangisi naman siyang binitiwan ni Matthew. Nanatili naman siyang nakaangkla sa braso ko habang patuloy kaming naglalakad sa hallway.


Madami dami na rin ang mga tao sa hallway kalimitan puro babae na nakatingin sa'min. Yung iba ay sinusundan pa kami ng tingin at halos hindi maikubli ang kilig.


"He's cute talaga 'no?" kinikilig na sabi ng isang babae sa katabi niya. Malamang si Matthew yung tinutukoy niya, pwede ring si Perk.


Sino ba naman ang hindi mapapalingon kapag si Matthew? He is so charming, because of, his dimple on his right cheek and his innocent and angelic face. Kaya maraming babae ang nagpapapansin sa kanya. Also, he has cute brown eyes and brown hair.


"Did you just intentionally bring us here to brag your fangirls, Salvador?" iritableng tanong ko sa kanya dahil sa matitinis na tili ng mga babaeng nalalagpasan namin.


"It's a good thing na aapreciate na niya yung mga girls sa paligid." Nagpakawala si King ng nagdidiwang na halakhak.


High school pa lang kami ay panay na ang tulak niya kay Matthew sa mga babae. Gustong gusto niyang sumapi si Matthew sa kulto nila ng mga pinsang kong lalaki na puro pambababae ang inaatupag.

When I Say I Love You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon