Chapter 3

36 7 2
                                    

Chapter 3

Words and gestures




Mag iisang oras na kaming nag uusap usap sa living room nila King pero kahit isang bagay wala ay wala kaming mapagkasunduan. Tungkol ito sa gusto nilang outing sa darating na sem-break.


"Why don't you just let your Kuya decide for us?" iritadong sabi ni Santi.


"Hello, excuse me? So paano naman kaming mga girls? Sa tingin niyo mag eenjoy kami gusto niyo?" nakapamewang na sagot ni Cess at tinaasan niya ng kilay si Santi.


"Hello, excuse me rin? Malayo ang Surigao." sabat ni Samon.


Lahat ng boys gusto yung idea ni Santi na sa Palawan na lang kami pumunta. Patuloy pa rin sa bangayan si Samon at Cess habang pinanunuod lang sila ng iba.


"Stop it guys!" sigaw ni James na siyang nagpatahimik sa lahat. "Para kayong mga bata, wala tayong matatapos."


"King what's your decision?" tanong ko.


"Kayong bahala." sabay tayo niya.


Nalaglag ang panga naming lahat sa ginawang pag walk-out ni King. Siya ang may pasimuno nito, siya pa yung walang pakialam.


"Kuya!" sigaw ni Cess.


"Calm your mouth. Babalik ako pupuntahan ko lang si Raf."


Nandito rin si Raf? Naalala ko na naman yung mga nangyari kagabi. Hindi rin ako agad nakatulog kagabi kaiisip kung sino si Andrea. Nagpatuloy sila sa diskusyon habang ako wala nang maintindihan sa gusto nilang mangyari. Nawawala na naman ako sa focus.


"Whatever, Ursula." pang aasar ni Samon kay Cess kaya nasapak agad siya nito.


Sumandal ako ng maayos sa kinauupuan ko. At nagulat ako nang maramdaman kong nakapatong ang braso ni Tristan sa upuan ko. Saglit akong bumaling sa kanya. Ngiting ngiti lang siya sa nangyayaring bangayan ng mga pinsan ko.


Medyo nakaramdam ako ng pagkailang kaya nag iwas agad ako ng tingin. Lumipat ako ng pwesto sa tabi ni Matt. Pakiramdam ko ay sinundan niya 'ko tingin pero hindi ko na pinagkaabalahan na lumingon sa kanya.


Kanina ko pa napapansin si Matt na abala sa cellphone habang nakangisi.


"Busy?" Halos mapatalon siya nang umupo ako sa tabi niya.


"Ha? Ka-kanina ka pa dyan?" Halata ang panginginig sa boses niya. Ibinulsa niya naman agad ang cellphone niya. Binigyan ko siya ng mapang asar na ngiti tsaka umiling.


"What?" sabay nguso niya. Umiling ulit ako at binaling ko na sa iba ang tingin ko.


When I Say I Love You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon