Chapter 1

63 12 0
                                    

Chapter 1

Crush




King and James are my cousins kaya sanay na 'ko sa ingay nila. Kapatid ni mommy yung mommy ni James at yung daddy naman ni King. Pinsan naman ni James si Perk sa father side. Mas close siya sa'min kaysa sa mga pinsan niya sa father side, si Perk at Icia lang ang malapit sa kanya. At madalas, di rin sila magkasundo ng kapatid niyang si Jaime dahil sa pagiging overprotective niya. Mas close ko ang Sarmiento cousins kaysa sa mga Cruz. Dahil sa side ni mommy ako lumaki at at ganun din si James.

Lahat ng mga pinsan kong Sarmiento ay may pagkakahawig. Halos kahawig lang ni Cess ang kuya niyang si King. Laging nakalugay ang straight at itim na itim niyang buhok na hanggang bewang. Natural din na magkasing puti lang kami. May bunso pa silang kapatid, si Prince na suplado at tahimik. Si Jaime, suplada sa unang tingin. Natural na wavy ang buhok niyang hanggang bewang at yung mga mata niya ay katulad ng kay Perk at Icia na parang manika ang pilikmata. May pagkamorena ang kanyang balat kumpara sa'min. Sa'ming lahat siya ang pinakasexy at head-turner.


Mas marami ang mga pinsan kong lalaki kaysa babae. Si Samon ang pinakasweet kumilos at magsalita sa kanilang mga boys kahit na mukha siyang suplado. Mas maayos ng konti ang kanyang buhok kumpara sa kuya niyang si Santi na kinatamaran na ang pagsusuklay. Mas malumay at carefree si Santi kumpara kay Samon. Si Sandra at Sidro ang mga mas bata pa nilang kapatid. Kasing edaran lang ni Sidro ang kapatid kong si Seth at mas matanda ng tatlong taon sa kanila si Kasandra.


Si Kuya Zandro at Zach naman ang aso't pusang magkapatid. Laging may disaster na nangyayari sa tuwing magkasama sila dahil sa mga bagay na hindi nila mapagkasunduan. Si Kuya Zandro ang pinakamatanda sa'ming lahat kaya madalas siya ang nasusunod na siyang kinaiinisan naman ni Zach. Si Zoe na bunso nilang kapatid ay walang pakialam sa tuwing nagtatalo ang mga kuya niya. Tahimik at malumay lang siya kung kumpara kay Zach na walking disaster.


Bukod sa kilala ang mga Sarmiento pagdating sa negosyo ay kilala rin kami dahil sa mga babaeng nababaliw sa mga pinsan kong lalaki. Nagkakagulo ang mga mga pinsan kong lalaki kapag ang isa sa kanila ang nagwagayway ng cellphone sa ere. Isa lang ibig sabihin, may bago na namang babaeng idadate ang isa kanila.


Si Tristan at Raf naman kilala dito sa lugar namin dahil mula sila sa pamilyang Saavedra. Magkapatid ang daddy ni Tristan at mommy ni Raf. Malawak ang sakop ng mga Saavedra pagdating sa negosyo. At isa sila sa pinakamagaling at sikat na pamilya dito pagdating sa negosyo. Maingay din ang pangalan ni Tristan dahil sa dami rin ng babaeng nababaliw sa kanya.


Bukod sa'min at sa mga Saavedra, magaling din sa negosyo ang mga Salvador. Kaya kilalang kila bilang elite si Matt at dahil na rin sa naging dating mayor ang lolo niya dito. Malakas ang impluwensya nila sa mga tao dahil sa mga magagandang proyekto na nagawa ng lolo niya noon.



Napukaw ang atensyon ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko, malamang ay si Matt lang 'to. Siya lang naman kasi ang mahilig mangulit sa'kin.


Sa iisang bahay kami nakatira pagtungtong namin ng college. Parang boarding house ang dating pero mas maaliwas at maganda kumpara sa boarding house. Si Tristan ang nag alok ng ganitong set up sa mga pinsan ko para daw mas malapit sa university. Malaki at puno ng mga mamahaling muwebles ang bahay. Nasa 3rd floor ng bahay yung kwarto ko. At sa second 2nd floor naman yung iba, Si James at Perk ang magkasama sa kwarto, si King at Matt, at solo naman si Raf katulad ko.

When I Say I Love You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon