Pabagsak kong sinara ang pinto ng marinig ko na naman ang sermon ng mama ko, lagi nalang.“Tanya you don't do that to me, ikaw na bata ka. Magbihis kana at aalis na tayo maya-maya. ” ani ng mama ko at bumaba na ata siya. Mygod!
Humiga muna ako sa kama ko ng ilang minuto bago nagbihis. Dadalaw kami ngayon kina lola sa probinsya at sobrang badtrip ko dahil iiwan namin yung mga baby ko. Shit lang talaga.
I sighed. This is frustrating. Bumaba na ako ng nakabusangot ang mukha, nakita naman nila mama yun at sinamaan ako ng tingin.
“Let's go. ” mabilis na sabi ni papa at nauna ng maglakad, sumunod nalang kami ni mama pero hindi ako umiimik. Bahala sila, hmpk.
Pumasok na ako sa loob ng kotse habang si mama naman ay tinutulungan si papa na ilagay ang gamit namin sa compartment. Bumyahe na kami matapos nilang ilagay yung gamit.
“Tan--” sinuot ko na ang headset ko bago pa matuloy ni mama ang sasabihin niya sakin at nakinig nalang ng bed of roses. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising nalang ako ng tinapik tapik ni mama ang pisnge ko.
“We're here. Lumabas kana. ” sabi niya sakin habang nakangiti. Lumabas nalang ako at nag inat inat.
“My stay here will be so boring mama. Bakit kase di niyo pinadala sakin yung mga gadgets ko maliban sa headset na 'to oh. ” nakanguso kong pahayag at pinakita yung headset ko.
“Nako talaga sayong bata ka, you're just 12 years old pero kung magsalita ka. ” saad niya bago bumuntong hininga.
YOU ARE READING
Don't Say Goodbye
Short StoryThey say the hardest goodbye are the one that never said but for me the hardest goodbye is when you hear it said by your love who'll never comeback.