Tanya. I know that name, di ko lang maalala kung kailan ko narinig yun.“Pre, tara na. ” pukaw ni Curt sa atensyon ko.
Tumango nalang ako at agad na tumayo. Nakapamulsa ako habang naglalakad habang ang dalawa ay nagtatawanan dahil sa kinuwento ko sa kanila tungkol sa babaeng bumunggo sakin, umiling naman ako.
Mga gago talaga.
Pagpasok namin sa cafeteria agad na naghiyawan ang mga babae maliban sa dalawa na nasa pinakahuling upuan.
Naghanap naman agad kami ng upuan at ang swerte namin dahil malapit lang kami sa dalawang babae na may sariling mundo. Atleast, di kami pagnanasaan ng dalawa.
“So, kailan mo balak hanapin yung first love mo pre? ” nakangising tanong ni Curt na kaagad ding sinang ayunan ni Joseph.
“Di ko pa alam. Pangalan lang niya ang naaalala ko. ” sagot ko. Agad naman akong napalingon sa side nila Zia--yung babaeng walang pakialam sa amin ng makapasok kami sa cafeteria--dahil malakas na tumawa ang kaibigan nito.
Natawa naman ako nung tinaasan nito ng kilay ang mga estudyanteng pinagtitinginan sila.
Mataray. Just like my Tanya. Napailing naman ako sa naisip ko.
“She's beautiful, isn't she? ” mapanuksong tanong ni Joseph sakin. Shit, di ko namalayan na nakatitig na pala ako dito.
“Fuck you. ” asar kong usal. Tinawanan lang ako nito at umiling-iling pa. Tangina.
Asar akong tumayo at naglakad palayo, nagring naman agad ang bell kaya sumunod na ang dalawa. Mga ungas.
--
Nasa classroom ako habang nakayuko kahit nagtuturo yung advisor namin, wala akong balak na makinig.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kaibigan ni Zia habang hinihingal.
“Ma'am, emergency po. Di m-makakapasok si Zia. ” habol ang hininga nitong sabi at malungkot ang mukha.
“What happen? Is Ms. Costello okay? ” agarang tanong ng guro namin.
“Y-yes, I guess. ” mahinang usal ng kaibigan nito.
Ano kayang nangyari sa babaeng yun?
YOU ARE READING
Don't Say Goodbye
Short StoryThey say the hardest goodbye are the one that never said but for me the hardest goodbye is when you hear it said by your love who'll never comeback.