Isang linggo ng nasa bahay ni lola Esme ang pamilya niya at pormal na din silang magkakilala ni Reese at pamilya nito. Naging magkaibigan silang dalawa, laging magkasama pero dumating na ang araw na babalik na sina Tanya sa Manila at kailangan niya ng magpaalam.Nasa dalampasigan ang magkaibigan at magkayakap sa isa't isa.
“Magkikita pa naman tayo Tanya, diba? ” naiiyak na tanong ni Reese. Ngumiti si Tanya at tumango tango.
“Oo naman no. Papakasalan mo pa ako eh. Hahaha. ” biro ni Tanya pero naiiyak na rin siya.
Nagyakapan ulit ang dalawa bago naghiwalay. Tumayo na sila at magkahawak kamay na bumalik sa bahay ni lola Esme.
“Pa'no ba yan, kailangan na naming umalis. ” nakangiting tugon ng mommy ni Tanya.
“O-oo nga po, eh. Kailan balik niyo dito tita? ” mahinang tanong ni Reese pero nginitian lang siya nito at tinapik ang balikat.
“Una na kami, ma. Mag ingat ka dito lagi. ” paalam ng daddy ni Tanya.
“Bye lola, mamimiss kita. Babye Reese. ” naiiyak na paalam ni Tanya pero nakangiti. Nilapitan naman ito ni Reese at hinalikan sa pisnge.
“Babye. Mamimiss kita. Ingat kayo. ” tugon ni Reese.
Nasa loob na ng kotse sina Tanya at dahan dahan ng umandar ito, sumilip mula sa loob si Tanya at nag wave ng kamay kay Reese at nagflying kiss.
Napahalukipkip si Reese dahil sa ginawa ni Tanya. Bago pa tuluyang makalayo ang sasakyan nila Tanya ay nakita niya itong nag finger heart.
“Hanngang sa muli, Tanya. ”
YOU ARE READING
Don't Say Goodbye
Short StoryThey say the hardest goodbye are the one that never said but for me the hardest goodbye is when you hear it said by your love who'll never comeback.