Napakamot ako sa ulo ko ng tawagin ako ni mommy para pumunta sa bahay ni lola Esme.“Mom, bakit na naman? Kakauwi ko lang galing doon. Gusto ko pang maglaro eh. ” nakasimangot kong anas. Pinandilatan niya ako ng mata kaya wala akong magawa kundi lumapit sa kanya.
“Ano ba meron dun ngayon? ” tanong ko. She smile.
“Darating yung pamilya ni lola Esme mo. ” tugon ni mama.
“Yun naman pala eh, dito nalang ako. Pamilya niya naman pala yun. ” saad ko kaya nabatukan niya ako.
“Baliw kang bata ka. Pinapapunta niya tayo doon, ipapakilala daw tayo. Tsaka may babaeng apo si nay Esme, for sure kaedad mo lang yun. ” nang aasar na sabi ni mom.
--
Nandito na kami sa bahay ni lola Esme, kanina pa pero wala akong mahagilap na batang babae. Napagtripan na naman siguro ako ni mommy. Kainis.
“La, sa dalampasigan lang po ako. ” paalam ko kay lola Esme, pumayag naman siya.
Agad akong tumakbo palapit sa dagat at naupo sa buhangin. Napapikit ako sa lakas ng hangin kasabay ng pagtama ng bato sa likod ko. Aray.
“Aish, ang sakit nun ah. ” naiinis kong sabi habang hinihimas yung likuran ko.
“Ohmygosh. I'm sorry, di ko sinasadya. ” nakarinig ako ng boses sa likod kaya napalingon ako and there I saw a girl running towards my direction.
“Ikaw ba may gawa nun? ” singhal ko sa babae. Naningkit ang mata niya at biglang nameywang.
“Nag sorry na ako diba? Bat ka nanininghal? Sino ka ba ha? ” nakataas ang kilay niya habang tinatarayan ako. Napatawa ako ng malakas dahil dun.
Nainis ata siya sa inasal ko kaya tumalikod na ang babae at nagsimulang maglakad.
“T-teka bata. ” pigil ko sa kanya at humarap naman siya.
“Anong pangalan mo? Bago ka lang ba dito? Reese nga pala pangalan ko. ” sunod sunod kong tanong at nagpakilala.
“Tanya. Oo bago ako dito, bakasyon lang. Atsaka di ako bata. ” mabilis niyang sagot at naglakad ulit.
Hinayaan ko nalang siya at ngumisi.
Tanya.
YOU ARE READING
Don't Say Goodbye
Short StoryThey say the hardest goodbye are the one that never said but for me the hardest goodbye is when you hear it said by your love who'll never comeback.