--

0 0 0
                                    


Tatlong araw ng di pumapasok si Zia, at tatlong araw na ring naghahanap si Reese sa kababata niya na si Tanya.

Tanya, nasaan kana ba? Yan ang palaging tanong ni Reese kapag natatapos ang isang araw na wala siyang nahahanap.

Reese brush his hair using his hands with frustration at napaupo nalang sa sofa habang inaalala ang nakaraan nila.

“Tanyaaaaaaaaaa pangeeeetttt HAHAHAHA. ” pang aasar ng batang si Reese at inirapan naman siya nito imbes na gantihan.

“Hays ewan ko sayo Reese, lubayan mo nga ako. ” napipikang usal ni Tanya pero tinawanan lang siya nito at pinisil pa ang pisnge niya.

“Ang cute mo kasing asarin Tanya hehehe. ” nakangising saad ni Reese at hinalikan ito.

“Wag ka nga nanghahalik diyan aso. ” aniya.

“Papakasalan kita paglaki natin pangit hehehe. ”

Magpakita kana Tanya pangit, papakasalan pa kita diba? Nalungkot siya sa naisip niya at umiling nalang.

Sa kabilang banda, si Zia naman ay wala pa ring malay. Walang nakakaalam sa nangyari sa kanya maliban sa pamilya niya at sa family doctor nila.

“She's okay now. Kailangan niya lang magpahinga ng ilang araw pa. ” turan ng doctor.

“Okay? She's okay? Eh bakit wala pa ring malay ang anak ko kung okay na siya? ” galit na sigaw ng ama ni Zia. Napayuko naman ang doctor at bumuntong hininga.

“Sorry Mr. Costello. To tell you frankly, her condition, ” ani ng doctor at tinignan ang mahimbing na natutulog na si Zia, “walang pinagbago ang kondisyon niya. ” tuloy nito sa kanyang sinabi. Napaupo naman ang mga magulang nito.

“My princess. ” mahinang usal ng ina nito ang napahagulhol.

Biglang nagmulat ng mata si Zia at mahinang tinawag ang ina nito.

“M-mama, p-papa. ” sambit nito sa nahihirapang boses. Naiangat naman agad ng ina nito ang kanyang ulo at gulat na napatakbo sa kinahihigaan ng anak, ganun din ang ama nito.

Don't Say GoodbyeWhere stories live. Discover now