BUMALIK TAYO SA UMPISA

534 5 0
                                    


Sa aking pag sisimula ayoko munang isipin ang tapos
Gusto ko munang sandaling patigilin ang luhang patuloy sa pag agos
Yung tipong sasariwain ang nakaraan
Nang mahanap ang dahilan ng iyong biglaang pag lisan

Gusto kong simulan sa unang araw ng pagkikita
Unang pagtititigan ng ating mga mata
alalahanin ang unang beses ng pag bitaw ng salitang mahal kita
Para magkaroon ng rason para ipaglaban ka pa

Aalalahanin ko ang panahong ako lang ang kailangan mo para sumaya ka
Yung tipong iinisin mo lang ako tas ngingiti kana
Yung wala kang problema kasi magkasama tayong dalawa
Pero ba't bigla atang nag iba?

Biglang dumalang ang pag aalala
yung dating pag lalambing mo ,ibang iba na
Yung dating ngiti pag ako yung kasama,nagbabago na
Meron ba tayong problema?o may bumabagabag sayong iba?

Bumalik tayo sa umpisa ,nang malaman ko kung ano ang naging problema
Nang malaman ko kung ako pa ba o meron ng iba
Bumalik tayo sa umpisa ng maiwasan ko ang biglaan mong pag babago
Bumalik tayo sa umpisa sa kung saan di mo nalang sana siya nakilala para nakabalik din sana ako sa umpisa ,yung panahon na di pa kita kilala .

-ctto-

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon