"PAPA"

234 0 0
                                    

Hindi siya payong,
Pero nag sisilbi ko siyang silong,
Pananggalang laban sa panahong maalinsangan,
At lalo na sa pag buhos ng malakas na ulan.

Hindi siya mga bato't semento,
Pero pinatitibay niya ang mga haliging nalulumpo.
Pinatatatag samahan ng bawat pamilyang pilipino,
Labn sa paghagupit ng anumang matinding bagyo

Hindi siya monumento,
Ngunit umaraw man o umulan, nananatili siyang nakatayo,
May mga bitak man ang mga kamay na bato,
Hindi parin naglalaho ang kanyang pagiging modelo.

PA
Tandaan mo,
Baliktarin man ang mundo,
Pati narin ang pangalan mo,
Wala parin magbabago sa pagtingin namin sayo.

PA
Mawala kaman sa kalendaryo,
Tumanda kaman ng husto,
Kahit maputi na ang mga buhok mo,
Bali baliktarin man ang mga numero,
Sumusumpa ako,
Ikaw lang ang nag iisang PAPA KO!

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon