"TATAY"

250 1 0
                                    


Marami tayong dapat ipagpasalamat sa buhay,
Hindi lang sa mga natatanggap na materyal na bagay,
Kung hindi sa bagay na ‘di matutumbasan ng materyal,
Na s’ya lang ang nakapagbigay ng sobra at pinaghirapan.

Respeto sa lalaki, s’ya ang nagiging batayan,
Nagtataguyod sa isang pamilyang matiwasay,
S’ya ang haligi ng tahanang matatag at maaasahan,
At nagsisilbing gabay sa tatahaking magandang buhay.

S’ya yung taong madiskarte at nagpapakahirap,
Upang tatlong beses ay may maihain sa hapag kainan,
Nagtitiis sa pawis at pagod upang hiniling ay maibigay,
Pawi ang pagod kapag ngiti at saya nakita sa anak na binigyan.

Oo si tatay, ayan si tatay, iyong kapartner ni nanay,
Na nagturo sa ating ng disiplina at maging magalang,
S’ya ang leader na hindi paasa at hindi ka iiwan,
At nagbibigay inspirasyon kung paano mabuhay.

Si tatay, s’ya lang ang taong tahimik pero dabest naman,
Hindi s’ya mabunganga pero ating kinakatakutan,
Isang sabi lang n’ya tayo ay tumatalima kaagad,
Kasi si tatay kahit ano pa tayo, hindi ka susukuan.

Walang katumbas ang pagmamahal ng isang tatay,
Hindi man s’ya lagi nandyan sa tabi mo dahil sa trabaho,
Upang may maibigay at maipagpatuloy ang iyong pag-aaral,
Ganyan si tatay kahit anong hirap, walang hinihinging kapalit.

Hindi man s’ya laging sinasabihan kung gaano natin siya kamahal,
At minsan hindi nating s’ya napapasalamatan sa kanyang binigay,
Hindi s’ya nagrereklamo gaano man kahirap kanyang sinasakripisyo,
Si tatay ay huwaran at nagbibigay ng halaga sayo.

Maraming salamat tatay sa buhay na iyong binigay,
Kasama ni nanay ako ay iyong pinalaki ng may dangal,
Idolo kita sa maraming larangan lalo na sa kasipagan,
Paggalang ko’y hindi magbabago, isang saludo sa’yo Tatay.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon