"PAG DUMATING ANG ARAW"

241 1 0
                                    


Sa buhay natutunan ko ang kahalagahan ng salitang kumusta,
Dito kasi nagsisimula ang mga bagay 9
At doon ko sisimulan tapusin ang lungkot nararamdaman,
Gaya ng patak ng luha at ulan, natatapos at napapalitan ng kasiyahan.

Sa bawat pagpatak ng ulan, habang mag-isa sa bahay,
Maraming akong naiisip at lungkot ang nararamdaman,
Kasabay ng lungkot at guni-guni ng aking nakaraan,
At nagsasabing makakabangon muli, gaya ng sikat ng araw.

Nakaabante na ako pasulong, ngayon pa ba ako susuko?
Nakaalagwa na ako sa pighati, ngayon ko paba ititigil ito?
Anumang hirap ng aking pinagdadaaan, susulong parin ako,
Balang araw, makikita ko ulit, ang kaligayahan hinahanap ko.

Lumilipas ang mga araw at panahon, maraming tao ang makikilala,
May magsstay at mayroon namang dadaan lang ‘diba,
Pero anuman ang mangyari, maiwan o manatiling mang mag-isa,
Yaan mo nalang, ang mahalaga ay ang mga natutunan sa isa’t isa.

Iba-ibang tao ang aking nakasalamuha sa iba-ibang lugar,
Pero laging tumatatak lalo na  ‘yung saya at ngiti na naiiwan,
Na puwede kong balik-balikan, sa mapag-isa kung buhay.
Dahil hindi lahat nabibili ng pera, lalo na ‘yung kasiyahan.

Tumingin ako sa salamin at sinasabi sa sarili ko,
Hayaan ang nakaraan at maghilom ang puso ko,
Upang sa mga susunod na araw ay maging araw ko,
Araw ng paglaya, araw ng pag-ibig at araw ng pagiging ako.

Pag dumating ang araw na meron na, handa akong maglakad  gaano man kalayo,
Kung ang dulo naman nito ay papunta sa walang hanggang saya ko,
At kami ay tutungo sa altar ng ‘di mapapakong sumpa ko,
At doon ipagsisigawang, “Mahal, ikaw lang at ako, pangako”.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon