WALANG PAMAGAT

277 3 0
                                    

Mahal kamusta ka na?
O mas maganda Kung itanong ko kung kamusta na kayong dalwa?
Kayo pa din ba?
Masaya pa rin ba kayo tuwing magkasama ?

Matagal tagal na rin kase nung iniwan moko
Simula nun wala na akong balita sayo
Miss na kita ...walang araw na hindi kita naalala
Pero siguro kinalimutan mo na ako kase meron ka nang iba

Biglang naalala ko yung mga pangako mo
Lahat ng matatamis na salitang sinabi mo nung mga panahong magkasama tayo
Habang inaalala ko Kung paano tayo nagsimula at natapos naiyak ako
Ngunit hanggang iyak nalang ang kaya ko kase alam ko wala na naman mababago

Ngayon sya na ang mahal mo
Sya na ngayon ang nagpapasaya sayo
Sya na yung babaeng nilalambing mo
Sya na yung babae na pangangakuan at prinoprotektahan mo

Sya na din pumalit sa pwesto ko Jan sa puso mo
Pwede naman akong masaktan Diba kahit hindi na tayo?
Pwede naman akong masaktan Diba bawal nga lang magreklamo
Matagal tagal na rin nung iniwan mo ako pero yung sakit para paring bago
.Ctto.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon