17

237 11 0
                                    

Hating gabi na at wala parin si Pierre. Magkasama kaya sila ni Hera?

Iniisip ko palang kumikirot na ang puso ko.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at tumambad sakin si Pierre, he is drunk I could tell by his Actions pasuray suray kasi ang paglalakad niya eh kaya tumayo ako at tinulungan siya.

"Pierre, stay still please." Pakiusap ko, narinig kong tumawa siya ng mahina para baliw ito si Pierre. "Ahdsdjshd.." hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ni Pierre. Inupo ko muna siya sa kama kasi kukuha ako ng maliit na towel para punasan siya.

Tatayo na sana ako ng hinawakan niya ang wrist ko. "Stay..D-Don't..leave..me b-baby.." pakiusap niya sakin, namumungay ang mga mata niya. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin, hindi naman ako aalis ah?

Dala lang siguro ng kalasingan niya. Umupo nalang ako ulit kasi ayaw naman niya akonh bitawan, hinila niya ako niyakap. Nakasiksik sa leeg ko ang mukha ni Pierre.

"Pierre.." sambit ko ng mahina.

"D-Don't..leave me baby.." ulit niya sakin, napangiti lang ako habang hinahaplos ang buhok niya. "I won't leave you Pierre..Mahal kita eh.." sabi ko sakanya, alam naman niya ang feelings ko.

"I love you too.." Nagulat ako sa sinabi niya.

Totoo ba? O dahil lasing lang talaga siya?

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya kasi baka sa kalasingan lang niya yun. Ramdam ko ang malalim na paghinga ni Pierre na hudyat na nakatulog na siya, kaya dahan dahan ko siyang hiniga sa kama at kinumutan ko siya.

Humiga narin ako sa tabi niya at niyakap siya bago ako nakatulog ulit.

Kinaumagahan ay tulog pa si Pierre kaya bumangon na ako para magtimpla ng kape niya kasi paniguradong may hangover siya, nagluto narin ako ng breakfast naming dalawa para sabay na kami kahit malaki na ang tiyan ko kumikilos parin ako kasi hindi ako sanay na walang ginagawa.

Nilagay ko na sa tray ang pagkain at ipinadala sa katulong yung tray papunta sa kwarto namin ni Pierre. Pinalagay ko nalang sa table ang tray nang makapasok kami.

Nilapitan ko ang natutulog na Pierre at hinalikan siya sa pisngi niya. "Wake up sleepyhead." Masuyong sabi ko. "Hmmm.." sabi ni Pierre, tumawa ako ng mahina. "Pierre..baby..wake up na" sabi ko ulit.

Unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata at ngumiti siya ng makita ako.

"Hangover?" Tanong  ko sakanya, tumango siya sakin. Kaya kinuha ko yung kape at ibinigay sakanya yun. Umupo naman siya at tumabi na ako sakanya.  "Drink it bago lamigin." Sabi ko, ininom naman niya yun ng dahan dahan. Napatingin ako sa orasan at nakita kong late na si Pierre. "Hindi kaba papasok? Late kana." Paalala ko sakanya. "Nah, i'll rest for today baby. " sagot niya sakin.  "Let's have our breakfast na, nagluto ako." Masayang sabi ko sakanya, tumayo siya at kinuha yung tray na may pagkain namin.

Habang kumakain kami ay naglalandian kami haha joke, I mean sinusubuan niya ako and ako din naman minsan nagnanakaw siya ng halik na gustong gusto ko naman din, pagkatapos naming kumain ay naligo na muna siya kaya nagbasa lang ako ng libro habang hinihintay siya.

Biglang may kumatok sa pintuan at pumasok si Nela isa sa mga katulong dito sa bahay. "Ma'am may bisita po kayo." Sabi niya, nagtaka naman ako sino naman kaya pupunta dito?

"Sino raw?" Tanong ko sakanya. "Si Ma'am Hera daw po." Sabi niya, nagulat naman ako.

Anong ginagawa niya dito?

Tumayo ako at nagpasya na puntahan siya, nakita ko siyang nakaupo sa sofa at nakangiti sakin.

"Hey, anjan ba si Pierre?" Tanong niya, tumango ako bilang sagot.

"Naliligo pa siya." Dagdag ko, may napansin ako kay hera medyo tumataba siya eh. " i hope you'll enjoy your last day with him Amesyl." Nakangiting sabi niya na pinagtataka ko. Sasagot na sana ako ng biglang may nagsalita.

"What are you doing here Hera?" Madiing tanong ni Pierre sakanya, niyakap ni Pierre ang bewang ko. "Oh, ayaw mo ba akong makita babe?" Malungkot na tanong ni Hera sakanya, napatingin naman ako kay Pierre kasi nalilito ako.

What the hell is happening?

"Just Go Hera, wag mong guluhin si Amesyl." Sabi ni Pierre sakanya. "Okay, alam ko namang sakin ka parin babagsak Pierre honey." Malanding sabi ni Hera at lumapit siya kay Pierre at hinalikan siya sa labi.

W-What the?!

Pagkatapos ay umalis na si Hera, bumitaw ako kay Pierre. "Anong ibig sabihin ni Hera?" Tanong ko sakanya, umiling lang siya. "D-Don't mind her baby.." at niyakap ako ni Pierre at hinalikan sa noo.

Strauss Series 1: Pierre StraussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon