25

240 8 0
                                    

Nagising ako sa mga maliliit ng halik ng kambal. "Hmm.."impit ko, sinubukan ko tumagilid pero hindi ako tinigilan ng dalawa kaya iminulat ko na ang mga mata ko and I saw my two little angels.

"Good morning babies." Nakangiting sabi ko sakanila. "Good morning mommy!" They both said in chorused, mukhang nasa good mood nga silang dalawa eh.

Bumangon na ako kaya lumabas na sila ng kwarto kaya naman ay sumunod na ako sakanila pababa papuntang kitchen, andun si mommy at nag aasikaso ng breakfast namin. "Lola Mommy!!" They called there lola, napagkasunduan nilang itawag siya na 'Lola Mommy' then 'Lolo Daddy' naman kay Dad, ayaw daw kasi nilang pinapahalata na matatanda na sila, which obviously they are old haha.

Mamaya pupunta kami sa bahay nila Pierre para makilala na personal ang kambal, but speaking of Pierre? Nasan kaya yun?

"Mommy." I called my mom's attention, Napatigil siya at napatingin sa gawi ko. "Yes sweetie?" She asked, i hesitated to ask her but..sige na nga! I'll ask her about Pierre.

"Uh, where's p-pierre? Diba dito siya natulog last night?" I asked, she smiled at me not giving any malice from my question. "Well, pagkagising nila kanina ng kambal nagpaalam siya uuwi daw muna siya then he'll fetch you later with the kids para pumunta sa bahay nila, naghahanda rin sila sa pagdating niyo." She said, I just nodded my head.

Habang kumakain kami ng umagahan namin ay panay naman kwento ang mga kambal kila Dad, kung ano ano ang pinagkukuwento nila kaya yung iba naman ay nakikisabay ako sakanila.

After naming kumain ay pinaayos ko na ang kambal para sa magiging lakad namin mamaya sa bahay nila Pierre.

Nagsusuklay narin ako ng buhok ko habang nakatingin sa salamin pero napatigil ako.

What if andoon si Hera? What should I do? Dapat ba akong nandoon o hindi?

Napabuntong hininga nalang ako habang patuloy padin sa pagsusuklay ng buhok ko.

"Mommy!" Sabi ni Mavey na makapasok sa kwarto ko, nakadress siya na pink with matching tiara pa sa hair niya. So cute! "Yes baby?" Lumapit siya sakin at umupo sa kandungan ko. "Am i going to be pretty like you mommy?" She asked me innocently, I chuckled and gently combing her hair with my hands.

"Mas maganda kapa sakin baby." Sabi ko sakanya, she giggled and kiss my cheeks. "And i'll marry a man like my daddy." Nagulat ako sa sinabi niya, She wants to marry a man like a Pierre, hindi naman sa against ako but sana naman ay walang sabit.

--

Sinundo na kami ni Pierre and they were very excited to see Pierre's Parents and sibling mas marami na raw silang kalaro.

Nasa backseat ang dalawa habang nasa front seat naman siya, siguro kung nasa normal na situation sila masasabi mong isa silang one big happy family, but they're not may mga sariling buhay na silang dalawa and it's best to be civil for the kids nalang.

Nakarating na kami sa mansyon ng mga Strauss at nagmadaling bumaba yung dalawa at manghang mangha sa bahay. "Wow! This is so big!" Masayamg sambit ni Mavey habang nagtatalon sa saya, kahit si Nicholas ay hindi itinago and kasiyahan niya. "Your House is so big daddy!" Masayang sambit ni Nicholas, hinawakan ko na ang kamay ni Mavey habang nakahawak si Nicholas kay Pierre.

Naalala ko tuloy yung bahay namin ni Pierre, mas malaki konti rito ang bahay na yun at kahit ako ay medyo nawawala roon kaya di masyado akong nag-iikot sa bahay na iyon.

Pagkapasok namin sa loob andoon sa living room ang pamilya ni Pierre, masaya silang makita ang kambal.

Agad lumapit si Penelope at niyakap ako ng mahigpit. "Namiss kitaaaa!" Masayang sambit ni Penelope sakin kaya natawa ako at niyakap din siya pabalik.

Pagkatapos ng maliit na reunion ay nagusap usap lang kaming lahat habang aliw na aliw silang lahat kay Mavey at Nicholas kasi ang kukulit din nilang dalawa e halatang masaya sa mga nakilala nila.

Biglang kong naalala si Hera, bakit ba wala siya? Eh diba siya na ang bagong asawa ni Pierre?

Hindi ko nalang inisip kung nasaan siya at nakikinig nalang ako sa mga usapan nila, nakita kong humikab na si Mavey at sign na inaantok na siya.

"Mavey, are you sleepy?" Tanong ni Penelope sakanya, tumango siya at lumapit kay Pierre at yumakap rito.

"I'll just bring Mavey to my room, i'll be back." Paalam ni Pierre, tumayo na siyang buhat buhat si Mavey at dinala sa 2nd floor kung nasaan ang kwarto niya.

Strauss Series 1: Pierre StraussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon