Chapter 7

1.8K 42 11
                                    

"I know I can't stay mad at someone. Does that make weak me and stupid? I forgive people that instant."

- K A P E -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- K A P E -

PANAY ANG DAGSA ng mga empleyado sa ika-limang palapag ng main building ng Severo Realty Corporation. Doon pa lang ay alam ni Rose na hindi basta-basta ang kompanyang napasukan niya.

Malaki iyon base sa building mismo–maging sa scope ng operation nito kung ang mga iyon ang pagbabasehan. Siguro ay sobrang suwerte na nga niya dahil nakapasok pa siya bilang isa sa mga utility staff. Hindi niya iyon itatangi. Kung hindi lang siya nasabihan ni Arci sa gaganaping meeting sa araw na ito ay paniguradong mangungunot ang noo ni Rose tungkol sa kaganapan.

Hawak-hawak niya naman ngayon ang isang window pane cleaner. Nakaharap sa malapad na glass wall ng fifth floor at matiyaga iyong nililinisan. Mula sa kinatatayuan ay nanuot sa kanyang paningin ang tawanin sa baba.

Kita niya ang mga sasakyan na paroon at parito sa i-ilang mga kalsada na nahahagip ng kanyang paningin. Maging ang mga katabing establisyemento at iba pang mga gusali na iba-iba ang lapad at taas.

She's admiring the great view of the urban city–the rare beauty of how the scenic view of the crystal clear sky matches well with the chaotic daytime rush of normal setting in the city's downtown.

Napangiti siya nang mapagtanto na sa kabila ng kanya-kanyang gawain ng bawat isa para lamang mapagtagumpayan ang araw na ito; sa kabila nang pagiging magulo nang mga bagay–hindi mawawala ang kasiguraduhan na magiging maayos din ang lahat. Sa kabila nang paghihirap na nararanasan niya at ng mga taong katulad niya ng sitwasyon ngayon.

Napatitig siya sa langit. Namamangha sa kagandahan nito at sa kapayapaan na dala nito sa isip niya na ilang linggo nang hindi mapirmi dahil sa dami nang inaalala. Nanatili siyang ganoon ngunit halos mapatalon siya nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Greg, ang head ng department nila.

"Marami pang kailangang linisin, Rose. Bilisan mo d'yan." Magkasalubong ang makakapal nitong kilay habang nakapukol ang tingin sa kanya.

Tumango siya sa sinabi nito at sinulyapan ang kasamang si Arci na ngayon ay nagliligpit ng magazines at miniature models ng mga bahay na may iba't-ibang disenyo na nakalagay sa isang estante.

Nilingon siya nito at tinanguan nang mapansing nakatingin siya rito. Nagpatuloy naman siya sa ginagawa. Lumipas ang tatlumpong minuto at nakita niya ang sariling kaharap na si Arci habang pareho silang kumakain ng tinapay na nabili nila sa isang bakeshop nang bumaba sila kanina para magbreak.

Usap-usapan nila ngayon ang head ng department nila na si Greg na kung ilawaran ni Arci ay pang employee of the year ang kakayahan dahil sa iba't-ibang papuri na sinasabi nito para sa kasamahan nila.

"Grabe iyan si Greg. Halos kasabay ko lang din 'yang nakapasok dito sa kompanya. Sobrang dedicated sa trabaho. Kita mo kanina? Sinita ka niya 'di ba kahit na halatang kumikilos ka naman. Nako, alam niya kasing galente ang Chairman ng kompanya sa mga katulad natin kaya hindi niya maatim na magbulakbol sa trabaho."

A Lover's Rose (Soon To Be Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon