Chapter 16

1.2K 31 0
                                    

"Could you ever–by any means–establish a good connection with someone that makes it too easy for you two to understand each other even without mumbling a word?"

"Could you ever–by any means–establish a good connection with someone that makes it too easy for you two to understand each other even without mumbling a word?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- K O N E K S Y O N -

NANLALAKI ANG MGA MATA ni Rose nang maramdaman ang marahang pagyakap ni Mico sa kanya pabalik. Kumurap siya ng tatlong beses. Lumunok. Tatlong beses ulit. Lumipas pa ang ilang segundo at hindi niya malaman ang gagawin.

Hanggang sa napagtanto niya na mahigit isang minuto na siya nitong niyayakap pero hindi pa rin ito kumikilos.

"Ano'ng nangyari? Ayos ka lang ba?" bulong nito malapit sa kanyang tenga.

Oh, God. Kailangan niyang pigilan ang sariling maibulalas ang malutong na mura na paulit-ulit niya nang binubulong sa isipan.

'Mico... bakit ganito ka umasta ngayon?'

Marahan ang pagkakalapat ng mga kamay nito palibot sa kanyang bewang. Ramdam niya ang init ng katawan nito maging ang marahan nitong paghinga. At sa posisyon nilang dalawa ngayon, natatakot siya sa katotohanang baka naririnig na nito ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib.

Tumikhim siya at sinikap na makapag-isip pa rin nang maayos. Nang naramdaman niyang lumuwang ng kaunti ang pagyakap ni Mico sa kanya, roon niya inilayo ang sarili. Umatras siya nang dalawang beses.

"Ayos naman ako. Wala namang problema," saad ni Rose. Ngumiti pa sa binatang kaharap na ani mo ay walang yakapan na nangyari.

But Mico seems unbothered with the fact that they just embraced each other. Tumango pa ito sa sinabi niya. He slipped his hands inside his pockets as he leaned against the wall near them. Nakapamulsa na ito habang pinagmamasdan si Rose. "So, ano'ng ginawa mo sa loob ng office ni Ms. Lucille?"

Parang biglaan atang naging interesado si Mico sa mga ginagawa niya ngayong araw. Ano'ng nangyari? May nakain ba itong masama?

Maybe he considered you as his friend, Rose, sagot niya sa sarili niyang tanong. He's checking on you if you are just fine just like how you checked on him during the times when he's definitely not okay.

It's a give and take scenario kumbaga.

Siguro ang pag-asta ni Mico ngayon ay kung paano din siya umasta rito noon. Hindi niya lang talaga mapigilan na hindi manibago. Dahil parang noong nakaraan lang, siya pa itong feeling close kumpara sa kanilang dalawa. At ngayong napalapit nga sila, parang gusto niya atang umatras.

"Why do you wanna know?" tanong niya rito. Sumusubok. She's trying her luck but to no avail, Mico didn't give her an answer. He just stared at her—pleased and amused.

"Bakit hindi ko pwedeng malaman?"

"It's... confidential," seryosong saad ni Rose pero parang may kakayahan ata si Mico na malamang nagsisinungaling lang siya.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon