Leowella lewis dating-ginoo pov
I almost tried na mag-papansin sakanya kaso hindi.
Walang epekto.
But i wrote this letter para naman ilagay sa locker niya kaso sa tuwing binubuksan ito lagi niyang pinupunit o kaya itinatapon sa basurahan ang ending ako nanaman ang mag-pupulot
Oo masakit kasi, tinatapon niya yung mga sulat ko para sakanya na halos taon kuna ata itong ginagawa
Halos taon narin pala ako nagpapakatanga.
Mahal ko eh.?
Bilisan mo! Tarantang saad ni Maria Lilac Camulag ang tanging karamay ko sa tuwing mapapaiyak ako dahil lang sa katangahan ko.
Oo ito na! ..sambit ko habang inilalagay ang panibago konanamang kalandian sa locker ni moonsier.
Ni hindi komanlang maamin talaga ang tunay kong nararamdaman para kay moonsier.
Maingat kong isinara ang locker ni moonsier.
Tara na okay na! ..masigla kong sambit kay lilac
Atleast nasabi ko yung tunay kong saloobin para sakanya.
Mula sa corridor na tinatahak namin ngayon bukod tangi lang ang pag-bilis ng tibok ang nararamdaman ko.
Itatapon kaya nya ulit? Hindi bale na.
Bukod tanging pag-kabahala nalang ang nararamdaman ko
8years kanang hibang sa totoo lang ...pag-uumpisa ni lilac.
Nginitian kolang ito.
Hindi na normal iyan.. Sambit pa nito
Normal lang to, nag-mamahal eh! ..pabiro kopang sagot sakanya pero sakabila ng lahat kirot sa puso ang nararamdaman ko.
Paano banaman kasi hindi ko maamin-amin ang tunay kong nararamdaman para sa bakla na yon.
Bakit kasi hindi nalang sa tunay na lalaki kesa naman, sa baliko na hindi ka naman mapansin-pansin. Takhang tanong nito
Alam mo lilac kapag ikaw nag-mahal handa ka maging tanga.
Kahit anong talino mo pa kung pumasok kanaman sa pag-ibig , mabo-bobo ka...paliwanag ko sakanya, gusto ko lang linawin sakanya lahat.
Leowella ..leowella kawawang leowella...wika nito
Oh bakit naman ako kawawa? Tanong ko muli sakanya habang binabaybay ang daan dito mula sa school.
Habang kasabayan ang mga ibang studyante , pati narin ang mga studyanteng namay iba't-ibang kurso ay nakakasalubong sa bawat madadaanan namin.
Maraming gwapo dito..sambit pa niya sabay turo sa bawat madadaanan namin. Lalo na ang mga nag-tatryout ng basketball sa fields.
Masasarap...dugtong nito ngunit parang siya lamang ata ang interesado dito.
Napailing nalang ako.
Basta ako kay moonsier lang ako mahuhumaling...sambit ko sa isipan ko
Sa huling pagkakataon, sumilay naman ako . Oo marami nga ditong gwapo na varsity player panlaban sa iba't-ibang school, ngunit iisa lang ang gusto ko.
Tanging si moonsier lang ang gusto ko.
Wala ka talagang taste! ..asar na saad saakin ni lilac.
Wala, wala namang mga gwapo dyan eh! ..usal kopa.
At agad din namin nalagpasan na iyon hangang sa makalabas narin sa gate.
Paano ba iyan? Una nako. Paalam niya.
Napabuntong hininga ako.
Mag-hihintay nanaman ako ng bus, at aabutin nanaman ng gabi sa daan.
Kung dinaman papalarin sa pag-sakay, babaybayin ko ang daan, makahanap lang nang-masasakyan.
Alam niyo naiimagine ko sa tuwing mag-lalakad ako sa daan.
Yung tipo bang ako lang mag-isa tapos bigla kong makakasabay si moonsier, tapos sasabay siya saaken tapos magkukwentuhan kami sa daan na kaming dalawa lang, tapos yung tipong mapapasabi kanalang
Ay hala nandito nako sa bahay namin? Salamat sa pag-hatid..tapos bigla kanalang niya hahalikan sa pisnge.
Likeeee kinikilig ako sa tuwing iniisip ko yun!
Ako na ata ang pinaka masayang babae sa balat ng tinalupan kapag nang-yari iyon.
"TANGINA HOLD UP TOH!" Sa kalagitnaan naman ng pag-dedeliryo ko habang nag-lalakad bigla naman may sumulpot na lalaki mula sa likuran ko habang yapos-yapos ako.
Huwag kang gagalaw kung ayaw mo masaktan! ..banta nito saaken
Habang nakatutok sa tigiliran ko ang malimig na bagay na iyon.
Kutsilyo
Harujusko.
Ilang santo na ang tinawag ko ngunit walang dumadating
May mga sasakyan na dumadaan kaso hindi pansin, dahil siguro sa dilim narin.
Parang kanina kang nag-dedeliryo ako kay moonsier..likeee putangina? Seryoso.
Nasa binggit nang kamatayan na pala ako.
Continue.

YOU ARE READING
OH MY PRETTY BOY!
RomanceBubuka ang bulaklak sasaya ang reyna? Reyna nang mga bakla jusko nakakaloka!