Part 4

35 2 0
                                    

  James P.O.V

Kitang kita ko ang abot langit na ngiti ng aking kapatid habang nakasilip ako sa pinto ng kanyang kwarto .

Tss , tamo napakabingi hindi man lang narinig ang pagbukas ko sa pinto ng kanyang kwarto dahil nakatutok ito sa cellphone at abala sa pagta-type. Dahan dahan ko na itong sinara at pumunta sa kwarto ni mama.

Btw , I'm James Antonio 18 years old


"Ma , tulog na " pagsisinungaling ko dahil gusto ko ng puntahan yung jowa ko. Yes , may jowa ako . Ikaw, wala ? pft.


"Matulog ka na din " -mama

"Ma , may gala kami ngayong gabi " umaasa ako na sana payagan niya ako . Tf! I miss my one and only love.

"Anong oras ang balik mo ?" nakapikit na siya habang nagtatanong .

"12......po "

"Okay , basta wala kang baon bukas ha "
nakangiti niyang sabi sakin .

Rule na talaga namin yan dito sa bahay na kapag gumala ka ng gabi kahit maaga man o late ang uwi mo , kinabukasan wala kang baon. Pero okay lang may naitago pa naman akong pera tsaka miss na miss ko na talaga mga kaibigan at jowa ko .

"Thankyou ma" paalis na sana ako ng kwarto niya ng magtanong siya ulit.

"Maganda ba ako ?" Ano ba yan , tandang tanda na ni mama prino-problema niya pa din yon .

"Oo naman ma , maganda ka! Pero mas maganda ako " pabulong kong sabi habang nakatalikod pa din sa kanya .

"Anong sabi mo ? "

"Wala ma! I have to go , babye " at dali dali na akong lumabas sa kwarto niya .


"Huy sis namiss ka namen" bungad sakin ni Wendy ( but he's real name is Wendrick ). Dito kase sa bahay nila nagkayayaan .

" Namiss ko den kayo mga sis " sabi ko sa kanila , masyadong madami ang tao dito sa bahay nila. Sinalubong naman ako ng halik sa noo ng aking jowa , si kian.

" Hey babe , how are you? " kinikilig naman ako dahil sa panibagong tawag niya sakin , minsan kase love o di kaya baby .

" Okay lang ako , malungkot nung mga nakaraang araw pero ngayon masaya na ulit ako kase nakita kita " nakangiti kong sabi sa kanya .

Nagkainan lang kami at may kaunting inuman at pagkatapos non ay dumiretso na agad ako sa bahay.

' Yes I'm gay but I'm not JUST a gay '

: SALOT AKO , SALOT AKO SA PANINGIN NG TAONG ANG TRABAHO AY ANG  MANGHUSGA KAHIT HINDI NAMAN SUMESWELDO.




Omegle Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon