BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22
25
Nicky
KUNG susuko na ako ngayon pa lang,para saan pa ang lahat ng mga naging sakripisyo ko para mabuo ang pamilya ko?
Tama naman na huwag ko munang sukuan.
Kaya ng mga sumunod na mga araw ay ginabi-gabi ko ang pagpunta sa bar para makausap si Tim pero bwisit na lalaki,bago pa ako makalapit ay nawawala na.
I can't be gone,Tim. Not yet. I can't. My feet wants to but my being won't. Ayokong umuwi ng kulang.
"Ano kaya kung magtrabaho ka rito? Pambayad mo ng hotel. Three months naman ang tourist visa mo." Isang gabi ay suggestion ni Antonio sa akin pagkatapos ang isa na namang gabi na bigo na makausap ko si Tim.
Napaisip ako at sa inis ko kay Kuya Gibson na inaaraw-araw akong tawagan ay nasabi ko ang tungkol don. Iniisip ko pa lang naman pero umabot na kina Papa at worst sa anak ko.
I was drinking,crying alone inside my hotel room when I had the guts to call on my son. To explain,that it wasn't true,that of course I'd come back. Pero pagkarinig ko pa lamang sa boses niya,sa mga tanong niya,parang sinuntok ang dibdib kong umiyak na naman ako.
What did he do to me?
Natutukso akong magsabi sa kanya dahil alam kong maiintindihan niya ako,pero kasi...dapat ko bang sabihin na pinipilit ko pa ring pauwiin ang daddy niya na ayaw umuwi? How heartbreaking that would sounds di'ba? Kaya nga ako nandito para hindi yon mangyari.
But what my son told me next broke the last piece of me that's keeping me whole on this fight.
They need me. Not simply because I am their mother but because,like I am to Tim,I was the one making them whole. Sa tono at iyak ni Dean,katulad lang din,natatakot siyang mawala ako sa kanila ni Eli.
And in just snap of a moment,I spiralled back to square one,to the reason why I came here after all. Akala ko mabubuo ko sila kapag ginawa ko 'to,ang iuwi ang daddy nila pero naisip ko na hindi naman yata ganon ang magiging resulta.
Nasasaktan ko na sila kung paanong nasasaktan ako ngayon. Kung ginagawa ko nga ba 'to para sa kanila o para sa sarili ko?
Because my son's right,that wonder intelligent son of mine is right. We made it before just the three of us,bakit hindi ngayon di'ba?
Tangina. Pakiramdam ko napakapangit kong babae. Kahit tanungin pa natin ngayon si Eli,sasabihin nun di hamak na mas maganda ako sa lecheng Icy na yon. Maganda lang yon 'pag may make-up eh. Ako,maganda kahit walang lipstick,kaya nga nakadalawa kami ng walangya.
Pero bakit nasa akin siya ngayon? Anang demonyong mukha ni Icy sa utak ko.
Kasi nilandi mo alam mong may asawa na! Leche ka!
Asawa?
Tangina.
Uuwi na ako. Ayoko na dito. Mag-aasawa na lang ako ulit sa Pilipinas. Bahala siya.
Pero pagdilat ko kinabukasan,kahit lusaw na at naiihi ko ng lahat ng alak mula sa katawan ko ay nagpapakatanga na naman ako sa katigasan ng puso ko.
I cried remembering my son told me. Ano ba,uuwi na ba ako? Pa'no naman ako?
So for the nth time,sana,sana naman magsawa na ako.
Dumating ako sa timing na alam kong huling set na ng banda.
Nakita ako ni Antonio at alam kong nagulat siya sa determinasyong nakikita niya sa akin ngayon. Kung natapos sila ng asawa niya alam niya ang totoong dahilan kung bakit yon nangyari at iyon din ang dahilan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)
General FictionDEAN'S FIRST LOVE (Sequel for Me,My Mom and her Bestfriend) After 2 years of reuniting, his Dad went back abroad to work and Dean is unsure. Paano kung hindi na bumalik ngayon si Theo? Paano na ang Mommy niya at sila ni Eli? There still a lot of if...