BABY D'S FIRST LOVE | by Robin @Robin_Blue22
52
NickyIT WANTS to beat again.
And it's so easy to give in. Pero kung nakita mo pala kung paano siya nasa tabi ng iba,mas madali ang lumayo na lang.
Bumalik siya nang may kasama. A mother and child. Pumaroon ang mga anak ko para makita. At naroon ako,nanatili sa labas nang ihatid ko sila. Nagkaabutan ang aming tingin. Binawi ko agad ang akin at nauna ng umalis.
Wala siyang sasabihin? Nakita ba niya ang sakit sa mga mata ko? Sana nakita niya dahil hindi ko naman itinago. Dahil sigurado rin akong makikita rin niya ang paghihirap ng puso ko.
Beat again beat again pa akong nalalaman. Tangina niya.
I drove the car fast back to home. Dumeretso ako sa kwarto. Hindi ko din naman alam ang gagawin pagkapasok. Galit ako,naiinis,naiiyak,natatawa. Thirty-four na ako dapat graduate na ako sa ganitong sakit.
I'm jealous,that's why. Rejected even. Sana hindi ko na lang pinag-isipan,sabi ko na nga ba kasi.
Tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng bestida ko. Nagpapaka-mature akong tinignan kung sino ang tumatawag. Unknown number. At iisa kaagad ang pumasok sa isip ko. Pero kunwari di ko alam. I miss him.
"I'm outside. Pwede ka ba makausap?"
Parang pinitas na bunga ang puso ko at piniga,rumagasa ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
---
Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko at isinilid ang mga nararamdaman kong nais kumawala. Mag-uusap lang kami. Wala dapat akong asahan. Actually,hindi ko nga rin alam ang dapat kong ginagawa,o kung tama pa ba to? Nakita ko naman. Ano pang dapat malaman? Dapat pag-usapan?
"Ang mga bata?" Tugon ko sa tanong niya kung ayos lang daw ba ako dahil obviously ay namamaga ang mga mata ko. Ayokong pangunahan ng galit pero natutukso akong bumigay at mauna ng manunbat.
"Nasa bahay. Kasama niya." Ang mabagal na sagot niya lalo na sa dulo,that only indicates what I'm so doubting about.
Ikinuyom ko ang mga kamay ko saka simpleng itinago sa paghalukipkip. But I couldn't hide how my lips trimmed,let him see then. Kahit ang paglisik lalo ng aking mga mata. God,I don't know how to deal calmly right now. Nanggigil ang loob ko,ayokong magsalita dahil baka kung anong masakit na salita ang masabi ko. O baka maiyak ako,masabi ko ang lahat.
Mabuti at naramdaman niya at nagkusa siyang pagsalitain ang sarili.
We were standing at the patio. Ang may kadilimang ilaw sa poste ng mga bakod ay nagbigay ng payapang ambiance,suggesting seriousness,quitness to whatever that is loud between us. Ramdam na ramdam ko ang tensyon niya,at sana nararamdaman din niya ang akin.
We were side by side. With a meter apart.
"Sorry kung ngayon lang kita kinausap."
"Okay lang,hindi ko naman inaasahan." Mapait na pagsisinungaling ko. Sa tagal niya,naalala ko na hindi nga naman siya nangako.
"Um." Hugong niya at matagal bago muling nasundan ng mga salita,nauna pa ang pagbuntong-hininga na nagsasabing hirap na hirap siya. Bagay na lalong nakakdagdag sa galit ko. He's making it like he is damn guilty! Damn,stupid!
"Nick," marahang wika niya,like he knew he's threading into some thin wire. "Mahina ang puso ng bata,we were referred sa hospital dito sa Manila kaya ngayon lang ako nakabalik."
BINABASA MO ANG
DEAN'S FIRST LOVE (COMPLETED)
Narrativa generaleDEAN'S FIRST LOVE (Sequel for Me,My Mom and her Bestfriend) After 2 years of reuniting, his Dad went back abroad to work and Dean is unsure. Paano kung hindi na bumalik ngayon si Theo? Paano na ang Mommy niya at sila ni Eli? There still a lot of if...