CHAPTER 8: Secret Admirer

37 9 0
                                    

Nakita kong nakabukas ang gallery, pipindutin ko na sana ang close button but the 'Mi cara' folder caught my attention. If I'm not mistaken, 'Mi cara' in Italian is 'My dear'. To my curiosity, I clicked the open button. Curios kasi ako at alam kong hindi matatahimik ang kaluluwa ko kung hindi ko makikita ang nasa loob nito.

My eyes went wide as I look at the pictures. Napasinghap ako ng malakas at umawang ang aking bibig. Hindi ko Alam kung ano ang mararamdaman ko.

Namamalikmata lang ba ko? Tiningnan ko muli ang mga pictures. Puno ng picture ko ang laptop ni Xandre. Puro mga stolen shots. May nakaupo ako sa ilalim ng puno habang hawak ang paborito kong libro, kumakain sa cafeteria, tumatawa habang kasama si ashly, may picture rin 'nong sumali ako ng contest, at marami pang iba. Hindi ko mabilang dahil sa dami.

Mas nagulat ako sa sunod kong nakita, dahil sa gulat natabig ko and cellphone ko kaya nahulog ito at nakalikha ng ingay. Nataranta naman ako kaya pinulot ko agad ito. Nararamdaman kong tumingin si Xandre sa akin kaya nakaramdam ako ng pagkabalisa.

"Damn it! Maling laptop ang nakuha ni ashly" bulong niya pero dinig ko naman. Hinablot ni Xandre ang laptop at dali daling umalis.

Hindi parin maalis sa isip ko 'yong picture 'nong sumali ako ng beauty contest sa Manila, 'yong pag momodel ko ng mga damit, at ang mga pagbisita ko sa sementeryo.

Kaya ba parang laging may nakatingin sa akin? Naguguluhan ako at hindi parin nag sisink in sa akin lahat.

"Matagal ng may gusto si kuya sayo. Pag summer siya ang sumusunod sayo. Pero kung may pasok naman lagi ka niyang pinapasundan, nagbabayad siya ng tao masubay-bayan ka lang. He is obsessed with you at hindi ito lingid sa akin, sa amin. Kaya nga labis-labis ang tuwa ko ng makita kita sa campus." She said while smiling.

"Ayoko sanang makialam pero torpe kasi si kuya kaya ako na ang gumawa ng paraan. Highschool palang tayo ng una ka niyang makita then he fell in love with you." Fell in love with me? Paano? Tanong ko sa isipan ko.

"Alam kong na shock ka haha pero kuya's feelings for you is genuine. Puno kaya ng picture mo ang kwarto ni kuya. Pangalan mo ang password niya at ikaw ang wallpaper sa cellphone niya. Creepy right? Haha" all this time nakamasid lang pala si ashly sa reaksyon ko at sinadya niyang ipakita sa akin. Ang haba-haba ng sinabi niya kaya Hindi pa nag sisink in sa utak ko. 

Chasing Life (A Kathniel Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon