Friday. I'm sitting near the window of my favorite coffee shop. Dito kami laging nakatambay ni ashly tuwing vacant namin. Tumakas ako dahil nakakasuffocate ang baho ng hospital at nagbabakasali rin akong makita si ashly dito.
Pag nalaman to ni Marian tiyak magpapanic na naman yon. Mamamatay rin naman lang ako edi sulitin ko nalang diba.
Natatanaw ko sa aking pwesto ang mga taong dumadaan sa labas.
"Kuya pahiram nga ng laptop nakalimutan kasi ni ally ang laptop Nita" napapatingin ang mga tao sa amin dahil sa lakas ng boses ni Ashley, nasa kabilang lamesa kasi ang kuya niya kasama ang barkada nito.
Tiningnan ko si Ashley gamit ang look na "Ash wag na mapapatay talaga kita" pero tinawanan lang ako ng bruha.
Lumakas ang pintig ng puso ko ng napatingin sa akin si Xandre. Randam kong namumula na ang aking pisngi. He really has that effect on me.
Maraming nagkakagusto sa kanya despite of his badboy aura. Wala naman akong nababalitaang nalilink siya sa ibang babae.
"Tss. Nasa bag kunin mo" sabi niya sabay lipat ng tingin kay ashly.
Nakahinga ako ng maluwag ng itinuon ni xandre ang kanyang mata kay ashly. Ewan ko ba, there's something in his eyes that can take my breath away every time I look at him. Geez, I am going crazy.
"Ano ba ash nakakahiya" sabay tapon ng masamang tingin sa kanya.
"Bagay kayo ni kuya, ayieeh haha parehong tanga ang isa tor-hajwiwwhzvbsjs" Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya dahil pwet niya lang ang nakakarinig sa hina ng boses niya.
"Ano???" Imbes na sagutin ako, tinawaan lang ako ng bruha.
Wala na akong magawa kaya kinuha ko na lang ang laptop para matapos ang report namin ni ashly.
"Ash may password eh" sabi ko Kay Ashly.
Nakangiti siya sa akin at alam kong may ibang kahulugan ang ngiting yon pero isinawalang bahala ko na lang, mang aasar lang naman siya.
Binuksan niya ang laptop kaya itinuon ko muna ang atensyon sa pag inom nga kape ko. Binigay niya ang laptop sakin at bumalik sa kanyang ginagawa.