HE

19 3 0
                                    

Matangkad, maputi, gwapo, perfect na sana si Jed...

Yun nga lang, laking iskwarte...

Lumaki si Jed sa isang iskwater area right beside trinoma mall, sa north ave.

Isa sya sa mga hablot sabay takbo ang pinagkakakitaan.

Pero hindi sya typical na kawatan, dahil, never mo syang pagkakamalan,

sya yung tipong *.* kakikiligan ng mga gurls, at kaiingitan ng mga guys...

Kaya naisipan ni Gerald ang leader ng gang nila, na ilagay sya sa pwestong look-out..

Sya yung tatabi sayo, medyo magpapapansin ng charisma nya, habang tinitipan ang mga katropa.

His looks never fails them...

Pero hindi likas na ganito si Jed, maayos ang buhay niya noon, nag-aabroad ang nanay nya samantalang ang tatay nya naman namamasada ng sariling tricycle.

Pitong taon na ang nakakaraan ng masunog ang dati nilang bahay. Namatay sa sunog ang tatay nya, habang sinasalba ang kanilang mga gamit. Ayon kasi dito eh mga pinaghirapan ito ng nanay nila.

Dalawang taon lang ang nagdaan nag asawa ng bago ang nanay niya, at mula noon, idenistansya na ni Jed ang mga kapatid nya dito.

Hindi kasi ni Jed matanggap ang ginawa ng nanay nya. Alam naman nyang masaya ang nanay nya sa bago nitong kapareha, pero masyado nyang mahal ang tatay nya para makitang may kasamang iba ang nanay nya.

Mula noon pinilit ni Jed na buhayin ang mga kapatid nya,

yun nga lang...............

sa paraang alam niya.

Mr. SnatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon