IGMA - 8

147 3 0
                                    

Warning: Rated SPG. #TeamSpg tweet @Rasecavanagh and @DwayneJared_WP | #TeamBaby | #TeamSPG | #TeamBaking

Rachel Courtney Cavnagh

 

Kumalas ako mula sa pagkakayakap sakin ni Dwayne at nagbihis. I need to go out. I need to drink dahil kundi ay mababaliw ako sa sakit na nararamdaman ko.

I get my phone and texted Miggy

To: Nurse Pogi

Hi Miggy! Still awake? Wanna go out and celebrate a party with me? Please.

Then I hit send. Nagmadali akong lumabas ng condo at nagdrive. Nagreply si Miggy at sabi niya okay lang naman daw. Binati niya rin ako ng happy birthday. Sinabi kong sa Drink and Dine na lang kami magkita pumayag naman siya dahil alam naman daw niya yung lugar at malapit siya dun.

Pinilit kong lumakad ng maayos kahit masakit pa yung ibabang parte ng katawan ko dahil sa nangyari. Pumasok ako sa bar at pumunta sa isang VIP Table.

Sabi nila, after you make love with the person you love, you will feel a different kind of happiness pero bakit ako, nadurog ang puso ko? Applicable ata sakin yung There’s always an excemption .

Maya maya pa ay natatanaw ko na si Miggy. Agad siyang lumapit ng makitang kumaway ako.

“Hey, Happy birthday” Bati niya sakin tsaka siya nagbeso sa pisngi ko. Oo close kami.

Umorder ako ng hard drinks para sakin at siya naman ay nag order lang ng beer dahil ang sabi niya kakainom niya lang kanina nung nagtext ako.

“Sorry naabala pa kita” Hinging paumanhin ko sakanya.

“Wala yun. Its an honour to drink with a beautiful lady like you” Pambobola niya sakin.

Nung dumating ang order naming ay agad kong nilaklak yung Jack Daniels na inorder ko.

“Whoa. Are you okay?“ Tanong niya sakin.

Nung pagkatanong niya ng okay  kusang tumulo ang mga luha ko dahil alam ko hindi ako okay.

Bigla naman siyang lumapit sakin.

“What’s wrong? Birthday mo bat ka umiiyak? Masyado mo bang narealize na sobrang gwapo ko?” Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. Itinuloy ko ang paglaklak sa alak hanggang sa tamaan ako. Si Miggy naman ay mild lang. Sabi niya kailangan niya daw kasi akong alalayan baka mapano daw kami pagpareho kaming lasing.

Nang ramdam kong mejo tinamaan ako ay tumayo ako at nagpunta sa dance floor. Sige lang ang sayaw ko dahil gustong magwala ng buong sistema ko dahil sa nararamdaman ko.

Naramdaman ko naman ang isang bisig  na pumulupot sa bewang ko. Nakita ko si Nars pogi.

Hinila niya ko pabalik sa table namin.

“Okay. You better tell me what wrong with you or hindi na ko kelan man makikipag inuman sayo.” Panankot niya sakin.

Tinignan ko siya at bumuntong hininga bago magsalita.

Kinweto ko sakanya ang nangyari. Kung gano kaganda ang pang pinaleng regalo sakin ni Dwayne na bumasag sa puso ko.

“Alam ko naman na masarap ako kasi umuungol siya, maganda naman ako, sexy, galing sa maganda pamilya. May breeding din ako. Pero bat pinaniwala niya kong mahal niya na ko kung si Liz pa rin pala?!” Tanong ko kay Miggy.

Hindi naman niya ko sinagot. Hinyaan niya lang ako maglabas ng sama ng loob.

Nang maubos ko ang laman ng bote ay inaya niya na kong umuwi.

I Gave My All (fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon