Chapter 5

25 0 0
                                    

Elevator

"Ms. Antonio" tawag ni sir thomas

Gulat akong napatayo sa aking upuan ng marinig kong tinawag ang apelyido ko. Mga professors lang at ang lalaking katabi ko ang may lakas ng loob banggitin ang family name ko. Si graciela nga cj ang tawag sa akin.

"Yes, sir!" sagot ko dito

Lumingon ako sa katabi kong naka ngisi. Hindi man lang ba niya ko tutulungan? alam naman niyang hindi ako masyadong nakikinig at hindi ko na nasundan ang itinuturo. Lumapit ako sa unahan ng sabihin nya.

"Dean wants to talk to you right now, so you may go in her office." ani ni sir

Sus. Akala ko kung ano na.
Ano naman kaya ang kailangan ni dean sakin? Kumpleto naman yung mga papers na pinasa ko. Bilang isang ulirang presidente kahit labag sa loob ko, napag pasiyahan kong nmpumunta na sa dean's office. Palabas na ako ng may tumayo.

"Sir. Can I go to lavatory?" ani ni lian

Ngumisi ako. May aliander santorino pa lang may gusto sa akin. Pilit kong tinatago ang tawang gustong kumawala. Kanina kasi walang ginawa ito kundi mang asar.

Hindi ko ito pinansin at mabilis na naglakad papuntang elevator. May mga kasabayan akong estudyante na tumango at tumabi upang makapasok ako sa loob. Sa pinaka likod ako pumwesto. Bago pa man magsarado ang pinto ay may kamay na humarang.

"Wait." hingal nitong sabi

Agad niyang sinuyod ng tingin ang loob ng elevator at ng makita ako ay tumabi ito sa akin. Nagkunwari akong galit at inirapan siya. Kilig na kilig naman ang mga babae rito.

"Baby." bulong niya sa aking tenga

Bago pa man ako mag salita ng pang asar...

"Uy pare congrats!" sabi ng fourth year na kasabay din namin. nakipag high five ito.

"Ms. President congrats din best player ka ulit ang galing mo sobra." lumingon naman ito sa akin at ngumiti

Tipid na ngiti lamang ang iginawad ko rito. I'm cold as Ice remember? They don't hear me talking lalo na sa loob ng elevator.

"Crush kita kuya pahingi naman ng number mo." saad naman ng kasama nitong babae

Hindi ko na lamang ito pinansin. Pero ang isang to ay mariin tinitingnan ang reaksyon ko. Being myself hindi ko ibibigay ang gusto niya.

"Itanong nyo muna sa girlfriend ko kung pwede." turo nito sa akin kasabay ng pag ikot ng braso niya sa aking bewang

Laglag naman ang kanilang mga panga ng tawagin akong girlfriend ng lalaking ito.
Sino ba nag sabi na boyfriend ko na to?

"Totoo pala ang balita pare na kayo na?" tanong ulit ng fourth year na hindi ko kilala

Ngising ngisi naman ang isang ito habang patuloy ang pang uusisa ng katapat. Parang nalugi naman ang mga itsura ng mga babae sa unahan.

"Ay sayang crush pa naman kita. Anyway, bagay naman kayo eh." sabi nitong kinikilig

Parang kinilabutan naman ako sa sinabi nito sobrang corny.

Napangisi ako ng may sumakay muli. Si kevin luna ex boyfriend ko. Naging kami noong high school days until first year college. As of now balita ko sa mga bulungan may girlfriend na raw ito.

"Hi!" sabi nito habang naka titig. Ngunit mabilis na inalis ng mapansin ang braso ng katabi ko sa aking bewang

Ngayon lang ulit kami nagkasabay sa elevator. Hindi ko inaasahan na dito pa ulit kami magkikita except kapag nasa gym at may laro pero hindi naman kami nag papansinan.

"Hel!" sagot ko rito

Ngumiti lamang ito pero ang katabi ko ay bigla naman nanahimik. Napangisi ako. Lumabas na kami ng elevator ng makarating sa tamang palapag. Nagpaalam naman ito at kumaway.

"See you next time cj." pahabol ni kevin sabay ng pagsarado ng elevator

"Sino yun?" kuryosong tanong niya sa akin

Ngumisi ako. Bakit kailangan pa niyang malaman? Selos?

"I didn't heard the news na boyfriend na pala kita. kelan pa?" asar ko dito

Tuluyan ng nawala ang ngisi sa labi nito.

"Bakit boyfriend mo yun?" tanong niya pabalik

Hindi ko muna ito sinagot at patuloy lang sa paglalakad.

"Boyfriend mo ba ang gagong yun?" ulit nya

Tumingin ako sa paligid. Buti na lang at wala masyadong tao. Tahimik dahil bawal mag ingay sa opisina ng dean.

"Hindi okay! Ex boyfriend nga diba." Inirapan ko ito

Ngumiti naman siya ng marinig ang sinabi ko. Na hulog na yata talaga ako sa isip bata.

"Good. Kase girlfriend na kita. I love you baby." bulong niya

Hindi ko naman magawang tumutol dahil kinikilig ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nauna siyang maglakad para kumatok at buksan ang pintuan sa dean's office.

"Good afternoon Ma'am! pinapatawag nyo daw po ako."  bungad ko rito

Nag angat ito ng tingin sa akin at nag tagal sa taong katabi ko.

"Yes Ms. antonio pinapatawag nga kita. Mr. Santorino anong ginagawa mo dito?." sabi ni dean

"Sinasamahan ko lang po yung girlfriend ko Ma'am Gonzales." sabi ni lian

Pinamulahan naman ako sa sinabi nito

"Okay. Anyway, Ms antonio Malapit na ang Ms. NEU and I want you to be part of it At dahil mukhang bagay naman kayo ni Mr. Santorino kayo na lang ang mag partner." sabi niya

Napanganga naman ako sa sinabi nito. Gusto kong mag protesta ngunit naunahan ako ni lian mag salita.

"Okay Ma'am it's a pleasure for both of us." sabi nito

Malamig akong tumingin. Kilala naman siguro ako ni dean lalo na sa pagiging unreachable at cold ko diba? What the effin? sabi ko sa sarili ko

"You know me Ma'am right? I don't show myself like this. Marami pa dyan please." pakiusap ko

"Pero ikaw ang gusto ng lahat and this will gonna be your last year in this university. so why not Ms Antonio." sabi nito

"Baby. Nandito lang ako." bulong niya sa tenga ko

"So that's final Cj. Be reminded." pahabol nito bago ko tuluyang isarado ang pinto

Engineer (Fated to Love You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon