Chapter 4

26 1 0
                                    

Volleyball

Gaya ng inaasahan nagpunta kami sa restaurant malapit sa amin. Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan taliwas sa lalaking ito. Kilala yata siya sa buong lugar dahil halos lahat ay nginingitian ito. Maraming babae ang kinikilig ngunit ng makita akong kasama ay parang nawalan ng pag asa. Kilala din ako rito sa buong Sta. ana ngunit hindi katulad sa kanya.

Iginiya nya ako paupo sa pina reserved nyang table. Kahit sa bandang dulo yoon at medyo tago, naiilang pa rin ako feeling ko maraming mga mata ang naka masid sa amin.

"Order baby." sabi nya

Namula ang aking pisngi sa tinawag niya sa akin naiilang ako.

Maya-maya ay may lumapit sa aming babae. Mestiza at matangkad ito.

"Hi lian, mind if I join you?" tanong nito

kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko ito kilala.

"No. I had my date trisha so stop meddling with us." sagot nya naman dito

Ngumiwi ang babae at walang nagawa dahil pinagtitinginan na ito.

"So, kilala mo pala yun? trisha right? ngumisi ako

Playboy." tuya ko

"Selos ka? tuya rin nya pabalik

Ngumuso naman ako.

"Asa. ako mag se-selos? are you kidding me?." tanggi ko

"She's a family friend baby hindi ko babae." pinitik nya ang tungki ng ilong ko

"Like I care?" pagsu-sungit ko

"Simula ng makilala kita ikaw na lang ang babae ko." dagdag nya

Inirapan ko na lamang ito at sinimsim ang iniinom na iced tea.

"Ingat ka." paalam nya ng isarado nya ang pinto ng sasakyan ko

Tumango ako rito.

"Ihahatid kita hanggang sa inyo." dagdag nya

Hinawakan ko na ang gear stick para umatras. Alas sais na ng gabi at siguradong hinahanap na ako sa bahay. Nang makapasok ako sa loob ng gate ay mabilis niya ng pinaharurot ang kanyang sasakyan.

12am na at hindi pa rin ako makatulog kaiisip sa nangyari kanina. Pagulong gulong ako sa kama pero ganun pa rin. Nag decide akong bumaba at uminom ng gatas. Hindi ito pwede dahil may practice kami ng volleyball bukas. Ako ang team captain kaya hindi pwede na puyat ako.

Break sabi ni coach. Kinuha ko ang bottled water sa loob ng bag ko. Nilapitan naman ako ni gracia na umiinom din ng tubig.

"Kailan ko naman makikilala yung manliligaw mo? siguraduhin mo na mas gwapo sya kaysa sa ex mo. Pero balita ko sobrang gwapo daw beshy." sabi nya

Baliw yata ito nag mana sa akin. Maya maya tinawag na kami ni coach pabalik. Makakalaban namin ngayon ang grupo ni kaye. I know everything na kaya nya, ay kaya ko rin kaya alam ko lalong nag aalburuto ang galit nya sa akin. Ngumisi nalamang ako.

"Go Ice." I spike the ball

Hindi ito nasalo ng kalaban kaya naka puntos kami. Nagpalakpakan ang lahat. Nahagip ng mga mata ko ang basketball team na kapapasok pa lamang.

"Geez. nakakahiya." sabi ko sa sarili

lumapit ng bahagya sa akin si bes at bumulong.

"Is that him?" tanong nya

Inirapan ko na lamang ito imbes na sumagot. Naghiyawan naman ang mga babae ng makita ang mga pumasok. Hindi ko na lamang ito pinansin.

Ako na ang mag se-served ng bola papunta sa kabila. Ngumisi muna ako kay kaye para asarin ito.

"Go Ice." sigaw nila

Nasalo ng kalaban ang hinagis ko ngunit agad akong kumilos ng nakitang si kaye ang titira. Asar sya ng na block ko ang tira nya. Matapos ang 30 minutes ay natapos na ang laro.

Nag aayos ako ng bag nang may lumapit sa aking likuran, akala ko si graciela dahil nasa likod ko lamang sya kanina ngunit nagkamali ako. Hinawakan ni lian ang strap ng bag ko at akmang kukunin.

"Wag na." iwas ko

Ngunit di siya nag pa-pigil. Nanunuot naman ang bango nya sa aking ilong ng bahagyang lumapit para mapunasan ang pawis sa aking noo.

kinikilig naman ang mga nanonood sa amin ngunit binalewala ko na lamang ito.

"Galing mo kanina. kaya lalo akong nai-inlove sayo eh! sabi nya

nag init naman ang buong mukha ko. Hinawakan nya ang aking bewang at iginiya nya na ako paalis.

"Bagay kayo." sabi nila

Tiningnan ko si kaye na nag dadabog sa paglalakad dahil sa pagka talo. Ngumisi ako.  

"Beshy." parehas kaming napalingon ni lian

"Where have you been?" tanong ko rito

"So you must be.." tanong ni gracia kay lian

Nilahad ni lian ang kanyang kamay sa bestfriend ko

"Aleander Santorino, Nice meeting you." medyo husky ang kanyang boses

kinikilig naman ang best friend kong nakipag kamayan.

"Alagaan mo yang beshy ko lagot ka sa akin." kumunot ang aking noo naman sa kanilang pinag uusapan habang naglalakad. Andito na kami ngayon sa parking lot.

"Oo naman." lian patuloy niya sa kanilang kwentuhan

Nandito na kami sa tapat ng sasakyan ko ng magpaalam si gracia.

"Ingat baby." sabi nya nang makasakay ako sa driver's seat.

tumango na lamang ako dahil hindi ko alam ang dapat sabihin.

"Sabay tayong mag lunch bukas." hinalikan nya ang noo ko

Napapikit naman ako ng dumampi ang kanyang labi sa aking noo. Kahit hindi ko pa kinukumpirma na kami na pero alam ko na may nararamdaman akong kakaiba. Marunong siyang rumespeto kahit nag dududa ako sa dami ng babaeng nag hahabol sa kanya.

Dumaan ang intrams at nanalo muli ako bilang best player at si lian naman ay mvp. Sabi nila soul mate daw kami pero hindi ako naniniwala.

Nandito kami ngayon sa Avr sa klase ni sir thomas.

Katabi ko si lian na matamang nakikinig. Parang lumulutang ang aking isipan sa mga nangyari nitong mga nagdaang araw.

Engineer (Fated to Love You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon