Chapter 3

29 0 0
                                    

Baby

Halos mabali na ang mga leeg ng mga kapwa namin estudyante ka-ka sulyap sa amin papasok sa loob. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa akong isama ng lalaking ito. Were enemies and we are in a war right now pero hindi ko alam kung bakit nandito kaming dalawa at mag ka holding hands.

Malamig na titig ang ipinupukol ko sa mga ito at mabilis naman silang nag iiwas ng tingin. Binalingan ko na lamang ang taong patuloy na humahatak sa akin. Mas matangkad siya kumpara sa akin dahil hanggang ilong lamang niya ako. Tingin ko ay half blood siya dahil sa foreign features na obvious naman. Gwapo ito at matipuno pero hindi ko gusto ang ugali. I hate him,but the way he hold my hands, I felt comfort and gentleness in him.

No way sabi ko sa sarili at pilit iwinawaglit sa aking isipan. Ayokong mag diwang ang lalaking ito kapag nalaman niya ang iniisip ko tungkol sa kanya.

"Ms. dalawang order po ng steak at iced tea." sabi nito sa cashier

Tulala naman ang babae ng abutin nito ang bayad ni aleander. Lahat sila ay nagulat at mangha na sumusulyap sa amin dahil mag ka hawak kamay kaming pumunta dito. Gusto ko sanang mag protesta dahil hindi ako kumakain ng rice sa lunch break. I only ate salad or sandwhich will do.

Nasaan ba kasi si gracia? Isusumbong ko ang lalaking ito. Mayamaya na realized ko na mag ka iba nga pala kami ng schedule.

Tuluyan na niyang binitawan ang aking kamay ng abutin niya ang order namin. Pinaghila niya ako ng upuan ng makarating kami sa napili niyang table. I don't like to be the center of attention pero dahil sa lalaking ito ay siguradong pag uusapan na naman ako sa buong campus.

"Eat." utos niya

Iritado akong tumitig sa kanya.

"I'm full. Ikaw na lang ang kumain!" iwas ko dito

Umigting muli ang kanyang panga.

"Eat, sabayan mo ako
." sabi nya

"Tss. Patapos na ako ng dumating ka kanina. Busog na ako." sagot ko

"Kumain ka cj!" pilit nya sa akin

Mangha akong napatulala sa kanya. How did he know my name? Oo at mag kaklase kami pero hindi ako tinatawag nino man sa pangalan ko maliban sa bestfriend ko. Ibig sabihin ay nandoon siya kanina.

"Kumain ka kahit konti. Ayoko sa mga babaeng payat!" sabi nya

"As if naman na gusto kita? excuse me." sagot ko

"Kakain ka o hahalikan kita sa harap ng maraming tao?" banta nya

Napatingin naman ako sa paligid. Nag si iwas ang mga ito ng nakitang nilibot ko ang aking paningin. Ang yabang nito para utusan ako. Letse! Dahil sa kahihiyan ay napilitan na lamang akong hawakan ang kutsilyo at tinidor. I can tolerate this but not the kiss. I hate him so much!

Halos puro irap ang ginawa ko sa kanya habang kumakain. I swipe my phone to see what time is it. Patapos na pala ang lunch break.

"Mauna ka na sa room dadaan pa ko sa Sc office." usal ko dito habang iniinom ang iced tea na medyo tumabang na.

Im expecting na tatayo na siya at aalis pero hindi man lang ito kumilos sa kanyang inu-upuan.

"Ihahatid na kita." sabi nya

Natapos ang buong araw na hindi na muli ako ginulo ng lalaking yoon. Nasa kwarto ako ng makatanggap ako ng notification sa facebook friend request galing kay Aleander Santorino. Ano na naman kaya ang pakulo nito?
Nag isip ako kung ia-accept ko ba o i-iignore.

Nang napagdesisyunan ko na tanggapin ito, sunod sunod na likes sa mga pictures ang natanggap ko. Stalker! Nag offline ako sa takot na i chat nya ako. Bakit ba ako natatakot? so what? Kilig na kilig naman si graciela ng mabalitaan ang nangyari. Gusto din daw nya makilala ito. Naiinis naman ako habang kinekwento ko sa kanya ang buong pangyayari.

Kinabukasan umaga pa lang ay usap usapan na ako ng lahat.
Kinikilig ang mga ito ang iba naman ay nagagalit at tinatawag akong mang-aagaw.

"Famous na naman si Ms President flirt.!" patuyang sabi ni kaye.

Ofcourse, kakalat ang mga nangyari kahapon. Binigyan ko ito ng malamig na titig bilang tugon. Inggit lang naman ito lalo na dahil tumatakbo ako bilang suma cumlaude.

"Why inggit ka? I am above over you." sabay ngisi

Alam kong nainis lalo siya sa akin. Tinalikuran ko na lamang sya.

"May araw ka rin sa akin! " sigaw nya ng makalayo ako

Bago pa man ako makarating sa classroom isang tao ang umakbay sa akin.

"Good morning baby." lian

Kinikilig naman ang mga taong nakarinig. Halos hindi na maipinta ang mukha ko habang papasok ng room.

"Bitaw lian!" bulong ko

Dahil sa kahihiyan at iritasyon ay kinurot ko ang kanyang tagiliran. Ngumiwi naman ito.

"Aray! babae ka ba talaga? daig mo pa yung amazona." asar nya

Inirapan ko na lamang sya dahil ayoko ng komusyon.

"Date tayo mamaya." sabi nya ng parehas kaming maka upo.

Ang lalaking ito talaga feeling close. Date? bakit gusto nya ba ako? Tss. Hindi ko sya gusto. Nagkunwari na lang akong hindi ko narinig

Habang nag lelecture si Ma'am Sanchez nagulat ako ng hawakan ng katabi ko ang aking kamay. Napatingin ako sa kanya, ngisi sa kanyang mga labi ang aking nakita. Gustong kong alisin ngunit mahigpit niya itong hinawakan.

"May magagalit ba?" bulong nya ng marahan

Umiling ako. I lost for words because of this feeling. This is my first time na may naglakas loob muli na hawakan ang aking kamay at manipulahin ako. Hindi ako maka protesta pagdating sa kanya.

"I'll court you baby." bulong nya sa tainga ko

Engineer (Fated to Love You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon