Chapter 18

1.9K 67 7
                                    

Chapter Eighteen

"Dylan!"

Kababa pa lang ni Dylan ng sasakyan nang marinig niya ang isang pamilyar na boses. Ngumiti siya kaagad ng makita niya ito.

"Akala ko malalate ka na naman," Sabi sa kanya nang babae noong makalapit na ito.

Tumawa si Dylan, "Hindi ako pwedeng malate, baka wala kang makopyahan ng paper sa Construction Method and Project Development." Tukso naman niya rito.

Tinignan siya kunwari ng masama noong babae pero tumawa rin ito pagkatapos, "Natapos ko na 'yung project natin sa Structural Design 2 at Transportation Engineering."

Nanlaki ang mata ni Dylan sa gulat, "Talaga?" Bilib na talaga si Dylan sa babae. Mahirap ang project nila sa Structural Design pero 1 week palang tapos na niya ito. At hindi rin biro ang airport design project nila sa Transporation Engineering pero natapos na niya rin ito.

Ngumiti ang babae at tumango na parang proud na proud sa sarili niya. "Hindi ka na ba nagsisisi na ako ginawa mong partner sa project?"

Ginulo ni Dylan ang buhok ng babae, "Swerte ko talaga sa'yo." Tuwang-tuwa si Dylan habang naglalakad sila papunta sa classroom nila.

Mag dadalawang taon na rin simula nang makilala niya ang babaeng ito, si Prim Vinchenzo. Dati daw itong Medical Student na nagtransfer sa Engineering. Unang pasok pa lang nito si Dylan na kaagad ang una niyang nakasundo sa klase. Hanggang sa naging magkaibigan nga sila at eventually ay naging partners sa mga projects. Kaya noong mga sumunod na taon, halos sabay na silang nag eenroll para mapunta sila sa isang section.

Sa tuwing kagrupo o kapartner ni Dylan sa projects, wala na siyang nagiging problema. Majority ng mga gawain, si Prim na ang tumatapos lalo sa mga parte na hirap si Dylan. Dahil doon mas naging close sila. Bibihira na magkaroon ng kaibigan na babae si Dylan pero isa si Prim sa mga naging kaibigan niya.

Maiksing oras lang ang itinagal nila sa klase ng Transportation Engineering dahil chineck lang ng professor nila ang proposed designs ng projects nila at nagbigay ito ng revisions at advise sa mga nakapagpasa na.

"Tara lunch tayo sa Al Dente," Aya ni Prim sa kanya habang nag-aayos sila ng mga gamit at naghahanda nang lumabas ng classroom.

Madalas silang dalawa sa Al Dente dahil alam ni Prim na paborito ni Dylan and chicken pasta alfredo nila doon. Lumawak naman ang ngiti ni Dylan sa aya ng babae kaya tumango na lang siya.

"Sendan na lang kita ng scanned copy nitong design natin pag nagawa ko na 'yung revisions na sinasabi ni Engr. Suero. Para kung may bago kang inputs pwede natin siyang ilagay before tayo magpacheck ulit." Mahabang sabi ni Prim habang naglalakad sila sa university.

"May balak nga sana ako dyan sa design eh pero hintayin ko na lang din 'yung revised version muna para makita ko kung sasakto pa rin." Sagot naman ni Dylan.

"Alright, siguro around -" Naputol ang pagsasalita ni Prim nang tumunog ang cellphone niya. "One sec." Pag-excuse niya kay Dylan bago niya hanapin ang cellphone sa loob ng bag niya. Nagbago ang expression ni Prim nang makita niya sa caller ID kung sino ito. Hindi na nakasave ang number pero kabisado naman niya ito.

Napansin kaagad ni Dylan ang pagbabago ng expression ng babae habang nakatingin ito sa tumutunog pa ring cellphone. "Siya na naman?" Dylan guessed.

Lumingon sa kanya si Prim at ngumit ng pilit. "Yeah, he wants to meet up... to talk."

"Bakit hindi mo pagbigyan, baka naman may importanteng sasabihin." Suggest ni Dylan. Ang tinutukoy ng kaibigan niya ay ang ex-boyfriend nito na hanggang na according kay Prim ay gusting makipag-ayos sa kanya. Ilang beses na rin naman kasi ito nabanggit sa kanya pero hindi pa rin alam ni Dylan ang buong kwento, hanggang doon na lang ang naishare sa kanya ng babae.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon