Chapter 35

1.4K 55 17
                                    

Chapter Thirty Five


Masayang bumaba si Dylan sa sasakyan niya dala ang pasalubong niyang strawberry cake para kay Sophia. Naiimagine na niya ang magiging ngiti nito pag inabot niya ang pasalubong niya.

Pero imbes na nakangiting mukha ni Sophia ang sumalubong sa kanya, naabutan niya itong umiiyak sa sala katabi ang mga bagahe nito at si Manang Esme. Agad na lumapit si Dylan sa kanya, pero bago pa man niya ito magawa agad siyang nasigawan ng babae.

"Napakasinungaling mo Dylan," Namumula pa ang mga mata nito.

Kaagad na kinabahan si Dylan, "Anong sinasabi mo?"

"Hindi ko alam kung dapat ba kitang tanungin dahil itinanong ko na 'to sa'yo. Baka sa pangalawang pagkakataon paniwalain mo na naman ako sa kasinungalingan mo." Sagot ni Sophia.

"Sophia, hindi kita maintindihan. Ano ba kasi ang sinasabi mo?"

Pinahid ni Sophia ang luha sa mata niya, "Sabi mo inihatid mo lang si Alisha sa Laguna pero bakit bumili kayo ng condominium? At sino 'yung batang kasama niyo?"

Parang nabuhusan si Dylan ng malamig na tubig. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Sophia. Bukod kina Cyril at Brix wala namang ibang nakakaalam ng nangyari noong gabing 'yon.

"Sumagot ka!" Sigaw ni Sophia.

"Sophia, anak." Awat ni Manang Esme dito pero hindi ito nagpapaawat. Ngayon niya lang makita na ganito katindi magalit si Sophia. Parang nahahabag si Dylan.

"Sophia, magpapaliwanag ako."

"Ano pang kasinungalingan ang sasabihin mo?"

Napapahawak na lang si Dylan sa ulo niya, "Pakinggan mo muna ako."

Hindi na sumasagot si Sophia bigla na lang nitong hinigit ang maleta na nasa tabi niya at hinila. Agad naman siyang pinigilan ni Dylan, "Huwag kang umalis." Pero tinapik lang ni Sophia ang kamay niya.

"Bitawan mo ako," Galit na sabi nito pero hindi tumigil si Dylan at hinablot niya ang dala ni Sophia na maleta.

Dahil sa gulat hindi sinasadya ni Sophia na masampal ni Dylan. Nanlaki ang mata ni Dylan sa ginawa ni Sophia. Parang umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo niya. Binagsak niya ang hawak na gamit ni Sophia.

"Gusto mo ng totoo? Gusto mong malaman?" Malakas ang boses ni Dylan. Maski si Manang Esme ay nagulat. "Oo, bumili ako ng condominium para kay Alisha. At 'yung batang kasama niya, anak ko 'yon. Anak naming dalawa!"

***

"Ma," Umiiyak na tawag ni Sophia sa nanay niya nang pagbuksan siya nito ng pinto ng bahay nila. Nagulat naman si Sandra sa itsura ng anak lalo noong mapansin na dala nito ang lahat ng gamit niya mula sa bahay ng mga Elizade.

Kaagad niyang inakay si Sophia papasok ng bahay. Ipinasok niya na rin ang mga dala nito. Pinaupo niya sa sofa ang anak at saka ito niyakap. Hindi na muna siya nagtanong sa kung ano ang nangyari, mas inuna niyang mapatahan si Sophia dahil ayaw niyang nakikita ito na umiiyak.

Nang mahimasmasan ay pinagpahinga muna ni Sandra si Sophia sa kwarto nito. Nakatulog na nga lang ito sa kakaiyak. Gabi na nang gisingin niya ito dahil may dala siyang pagkain. Magang-maga ang mata ni Sophia nang imulat niya ito.

"Kumain ka na muna at makakasama sa iyo kung magugutom ka." Sabi niya sa anak.

"Ma," tawag nito sa kanya at tinignan lang ni Sandra ang anak. Senyales na nakikinig siya sa kung ano man ang sasabihin nito. "Mama, dapat lang po ba 'tong nararamdaman ko? Dapat lang po ba akong magalit sa nalaman ko?"

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon