Chapter Thirty Four
"Anong ginagawa mo rito?" Gulat na tanong ni Cyril nang buksan niya ang pinto ng condo unit niya.
Imbes na sagutin ang tanong ay ngumiti lang si Honey. Tinulak niya pa si Cyril patagilid upang makapasok siya sa loob.
"Hoy babae, hindi porke sinabi ko sa'yo na gusto kita bigla bigla ka na lang pupunta sa bahay ko at papasok." Awat ni Cyril pero hindi siya pinapakinggan ni Honey. Sa halip dumeretso lang ito sa living room ni Cyril at naupo sa sofa. Nilabas nito mula sa bag niya ang bote ng wine na kalahati na lang ang laman.
Kaagad na inagaw ni Cyril ang hawak na bote ni Honey na akma na nitong tutunggain. "Sira talaga ng tuktok mo. Bakit bigla ka na lang pupunta dito at iinom ng alak?" Ngumisi lang ang babae. Doon lang napansin ni Cyril na namumula na ang mukha nito at amoy alak rin ito. "Naglasing ka ba?"
Parang bata lang na tumango si Honey. Napakamot na lang ng ulo si Cyril. Pilit niyang nilalayo ang bote ng wine sa tuwing tatangkain itong kuhanin ni Honey. Itinago na lang ito ni Cyril sa kusina niya para tumigil na ang babae. Pagbalik niya sa living room nakasandal na lang si Honey sa sofa. Kung kanina ay nakangisi ito, ngayon naman para itong napagsakluban ng langit at lupa.
Tumabi si Cyril dito at nagtanong, "Bakit ka ba naglalasing? Ano bang problema mo?"
Huminga ng malalim si Honey, "Alam mo ba batman birthday ngayon ni Lola pero hindi kami makapagcelebrate kasi hanggang ngayon may sakit pa rin siya." Hindi makaimik si Cyril. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil seryosong seryoso si Honey ngayon. "Lahat gagawin ko para gumaling si lola." Nagsimula nang humikbi si Honey mas lalong hindi alam ni Cyril ang gagawin. "Batman, hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ako. Ayoko na. Hindi ko na kaya, gusto ko na sumuko pero hindi ko kayang mawala si lola. Hindi ko na kaya 'yung mga gagawin ko, napapagod na ako."
Wala nang ibang nagawa si Cyril kung hindi yakapin ang umiiyak na si Honey. Hindi niya alam na sa kabila nang ingay, daldal at pagiging isip bata nito meron pala itong mabigat na dinaramdam. Mas lalong lumalambot ang puso ni Cyril para kay Honey. "Tama na, pukyot, gagaling din ang lola mo."
Yumakap lang din ng mahigpit si Honey kay Cyril, "I'm sorry batman." Bulong nito. Kahit na hindi naman alam ni Cyril kung bakit ito humihingi ng tawad ay hinayaan niya lang ito. "Shhh. Ayos lang 'yan. Nandito lang ako."
***
Kahit na bakasyon ay sa bahay pa rin ng mga Elizalde nag-stay si Sophia. Pakiusap na rin ito ni Dylan sa kanya. Simula noong nakatanggap siya ng package naging mas maingat na si Dylan sa kaniya. Hindi rin naman kasi parating nasa bahay si Shane, hindi kagay sa bahay ng mga Elizalde na parating may kasama si Sophia. At isa pa maayos din naman ang security ng village nila kaya mas kampante si Dylan kung nandoon siya.
Hindi na rin naman kumontra si Sophia dahil kahit siya ay natatakot sa kung ano man ang ibig sabihin ng pagbabantang iyon. Halos hindi na nga siya lumabas ng bahay dahil sa takot. At isa pa lumalaki na rin ang tiyan niya, medyo nahihirapan na siyang basta basta kumilos.
"Kumain ka na ba?" Tanong ni Dylan sa kanya habang magkausap sila sa telepono. Maya't-maya rin ito halos tumatawag para icheck siya. Hindi man sabihin sa kanya ni Dylan, alam niyang nababagabag din ito.
"Tapos naman na. Ikaw kamusta naman ang lakad mo?" Tanong niya rito. Umalis kasi si Dylan para puntahan ang company kung saan ito mag iintern.
"Okay naman na, isusubmitt na lang namin ang mga kulang na requirements tapos iemail na lang nila para sa schedule." Masayang binalita ni Dylan.
"Mabuti naman. Ibig sabihin pauwi ka na?"
Natawa si Dylan, "Miss mo na ako?"
Mas natawa si Sophia, "Hindi. Hihingi ako ng pasalubong."
"Akala ko pa naman," Bumulong si Dylan pero rinig naman ni Sophia. "Sige bibilihin kita ng pasalubong."
"Ingat ka," Sagot ni Sophia. Nagpasalamat lang si Dylan bago nito putulin ang tawag. Nasa sala ngayon si Sophia at nag-iinternet. Naghahanap siya ng articles tungkol sa mga baby. Lately puro tungkol sa pagbubuntis, panganganak at mga baby binabasa at pinagkakaabalahan niya. Kahit na may mga halong pangamba, hindi rin naman maikala ni Sophia na excited nga siya.
Naghahanap siya ng magagandang baby names para sa baby boy nila ni Dylan nang magkaroon siya ng isang notification mula sa gmail account niya. Thinking na baka sumagot na ang mga sinendan niya ng inquiries para sa internship programs, agad niya itong binuksan.
Walang laman ang mismong email at puro letters na walang sense ang gmail account ng sender. Mayroon lang isang zipped file na attached doon. Agad naman itong dinownload ni Sophia dahil sa curiosity. Matapos idownload ay inextract niya ang file.
Ang laman nito ay puro jpeg o images lamang. Isa isa itong binuksan ni Sophia. Noong una hindi niya pa gaanong maidentify kung ano ang mga nasa unang litrato. Pero noong makita niya ang mga susunod, nagsimulang kumabog ang dibdib niya.
Pictures ito ni Dylan. Natatandaan niya ang suot nito. Ito 'yung araw na lumabas ito para makipagkita kay Alisha. At tama nga si Sophia. Dahil sa mga susunod na litrato nakita niya na magkasama nga sina Alisha at Dylan. Bumaba ang dalawa sa sasakyan at ang mas pinagtuunan ni Sophia ay ang buhat ni Alisha. Isang batang lalaki na sa tingin niya ay 2 years old pa lamang. Papasok ang mga ito sa isang building na sa tingin niya ay condominium. Nanginginig ang kamay ni Sophia na pinipindot ang keyboard upang mailipat ang mga litrato. A huli mayroong scanned copy ng isang dokumento. Binasa ito ni Sophia. Nakapaloob dito na bumili si Dylan at Alisha ng isang unit sa condominium na nasa Metro Manila lang rin at dated pa ito sa mismong araw na nakipagkita si Dylan sa babae.
Hindi alam ni Sophia kung ano ang mararamdaman niya. Kinabukasan ay tinanong niya pa si Dylan tungkol dito. Ang sabi nito hinatid niya si Alisha sa kamag-anak nito sa Laguna. At wala rin itong nabanggit na may kasama silang bata. Pakiramdam ni Sophia trinaydor siya ni Dylan. Alam niyang wala pang malinaw na usapan sa kung ano ba ang relasyon nila pero nagsinungaling kaagad si Dylan.
Padabog na sinara ni Sophia ang laptop niya at dumeretso sa taas. Pakiramdam niya sasabog siya sa galit kay Dylan.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomanceREVISED VERSION: PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA POP FICTION (2020) The whirlwind romance of Sophia and Dylan that started on a drunken sorrowful night. Both of them considered that night as a mistake, but throughout the events in their lives Sophia a...