Note: i edited a few scenes from chapter 18 so kung nabasa niyo na po siya before i posted chapter 19, pwede niyo siya balikan para mas magets yung nangyari dito sa chapter 19. =)
Chapter Nineteen
"Batman, nakapagplot na kami ng key points sa meeting ngayon." Biro ni Josh na VP ng Society nila. Simula kasi noong tinawag siya ni Honey na 'batman' sa meeting naging bansag na tuloy ito ng mga tao kay Cyril.
Ngumiti na lang ng pilit si Cyril at nakatikim ng isang mahinang batok mula sa kanya si Josh dahil naiinis siya pag tinatawag siya na batman. Dahil dakilang mga curious ang mga kasamahan niya sa Society inusisa pa nito ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang tawag ng babae na iyon sa kanya.
"Magpapadala daw ng representative ang bawat section para sa meeting mamaya, Pres Batman." Banggit sa kanya ni Greg na isa sa mga nangunguna sa pang-aasar. Pasalamat na lang ito at malayo ito kaya hindi niya nabatukan.
"Ang agenda natin for today ay mabigyan ng designation ang bawat section. Kung sakali naman na meron silang kaklase na magaling sa specific na bagay saka lang natin sila huhugutin at ilalagay sa kung saan sila mas fit. Kailangan din natin ng isang point person for each sections ng event. Iba sa food, program, set-up and kung ano pa man. Botohan nalang siguro para fair, sila na din ang aattend sa TWG meetings, meron agad mamaya kasi magploplot tayo ng event proposal kasi subject pa 'yon for approval." Sabi ni Cyril. Nakita niyang sasagot pa sana si Josh pero inunahan na niya kaagad ito. "Isa pa pala, walang tatawag sakin ng batman. Ang tumawag sakin na batman, may kutos sa noo. Malinaw?"
Nagsitawanan ang mga kasama niya pero sumagot naman ang mga ito, "Yes pres."
***
Bago magsimula ang meeting ay dumating na naman si Honey dala-dala ang camera niya. Bumati siya sa lahat. "Hello po, hello po."
"Hi honey." Natutuwang sagot sa kanya ni Josh na agad naman na ikinairita ni Cyril. Bumaling siya kay Greg at nagtanong.
"Anong ginagawa niya dito sa meeting? HRM ba 'yan?"
Umiling si Greg, "Hindi. Pero kasama kasi sa documentation niya ang meetings na gagawin natin kaya everytime may meeting tayo pupunta rin siya. Siya rin ang official photographer ng event proper."
Sumimangot na naman si Cyril. Hindi niya alam kung ano bang meron sa babae na iyon pero hindi siya mapakali sa presensya nito lalo na kahit sinabihan niya itong huwag siyang tatawagin na batman ay hindi ito nakikinig.
"Hi, batman!" Bati nito sa kanya pero hindi umimik si Cyril. Lihim naman na nagtatawanan ang mga kasama niya kaya lalong nainis si Cyril.
Mag-iinit na sana ng todo ang ulo niya kung hindi niya nakita si Jill. Si Jill Chua, isang junior student ng HRM. Dati pa niya itong type pero hindi sila madalas na nagkikita. Hindi naman din kasi nanliligaw ng seryosohan si Cyril kaya hindi niya pinursue ang babae. Ayaw niya kasi ng malalang commitment kaya puro babae sa bars na pinupuntahan nila ang nagiging girlfriend niya. Pero dahil recently, sa kaso ng nangyari sa kanila ni Sophia, nagbago ang pananaw ni Cyril. Naisip niyang sinadya siguro na magkasama sila ni Jill ngayon sa event na ito.
Tumagal ang meeting ng mahigit isang oras. Nagpakilala ang mga pumuntang representatives at napag-usapanang magiging designation ng bawat section. Nagbotohan na din sila ng mga isasali sa TWG Committee at kasali si Jill doon.
"Gagawa na lang kami ng groupchat at i-aadd kayo lahat para kung may questions na kailangan agad maaddress or may updates ng meetings mas madali tayong makakapag-usap." Sabi ni Cyril sa pagtatapos ng meeting.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomanceREVISED VERSION: PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA POP FICTION (2020) The whirlwind romance of Sophia and Dylan that started on a drunken sorrowful night. Both of them considered that night as a mistake, but throughout the events in their lives Sophia a...