Chapter 30

1.6K 54 2
                                    

Chapter Thirty


"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Cyril sa babae.

"Pinapunta ako ni Ella dito, sabi niya kailangan daw ni Josh at Greg ng tulong." Sagot ni Honey sa kanya.

Napapailing na lang si Cyril, gusting-gusto niya kutusan isa isa ang mga member ng society. Kaya naman bumaling siya sa pinto pero hindi ito bumubukas. Alam na ni Cyril ang nangyayari. Sumigaw siya ng malakas para marinig ng kung sino man ang nandoon. "Greg, pagnakalabas ako dito humanda ka sa'kin."

"Lalabas na lang ako," Sagot naman ni Honey kay Cyril na hanggang ngayon ay clueless pa rin sa nangyayari.

"Hindi ka makakalabas, naka-lock ang pinto."

"Ha? Bakit? Ako nga!" Natatarantang hinawi ni Honey si Cyril at dumeretso sa pinto. Kahit anong pihit niya sa doorknob ay hindi niya ito mabuksan. Mukhang nalock nga sila. "Paano tayo makakalabas dito?"

"Hindi ko rin alam." Wala sa mood na sagot ni Cyril. Pagod na rin siya sa maghapon pati ang utak na pagod na sa kakaisip. Ang gusto na lang niya ngayon ay magpahinga.

"Hindi pwede, kailangan makalabas tayo. Greg! Karen! Ella! Josh! Nandiyan ba kayo? Pakibuksan naman ang pinto." Paulit-ulit na kinakatok ni Honey ang pinto at tinatawag ang pangalan ng mga kaibigan nila.

"Hindi 'yan gagana sa mga lokong 'yon. Sila ang may pakana nito at hindi nila tayo pagbubuksan ng pinto." Awat ni Cyril kay Honey.

"Bakit naman nila gagawin ito?"

"Dahil sa'yo." Tipid na sagot ng lalaki.

Pamaktol na hinarap ni Honey si Cyril, "Bakit ako?"

"Eemote emote ka kasi kanina kaya pinagkakaisahan na naman nila tayo." Naupo na si Cyril sa isa sa mga kahon at sumandal sa pader. Ipinikit na rin niya ang mata niya dahil pagod na talaga siya ngayong araw.

Pinalo naman siya ni Honey sa tuhod kaya napadilat siya. "Huwag kang matulog, buksan mo 'tong pinto. Kailangan ko makalabas dito."

"Aray ha!" Reklamo ni Cyril habang hawak ang tuhod na pinalo ni Honey. "Kahit nga anong gawin ko diyan hindi yan bubukas."

Sinubukan nang sipa sipain ni Honey at kalabugin ang pinto. Gustong-gusto niya talagang makalabas nang kwartong iyon.

"Kahit anong gawin mong sipa at kalabog diyan hindi naman 'yan bubukas. Mauuna ka pang mapilayan bago mo mabuksan 'yan." Sabi ni Cyril na nakasandal pa rin sa pader at hindi man lang dumidilat.

"Mas gusto ko nang mapilayan kaysa makulong dito kasama ka." Mahinang sabi ni Honey pero sapat na para marinig din ito ni Cyril.

Doon napamulat ng mata si Cyril, "Wow ha. Parang luging-lugi ka pa. Parang ako yata ang dapat na magreklamo na nakulong ako dito kasama mo."

Pikon na pikon na si Honey sa lalaki kaya ginawa na niya ang isang bagay na hindi inaasahan ni Cyril. Hinubad nito ang suot na rubber shoes at binato sa lalaki.

Sapul sa mukha si Cyril kaya nainis na rin ito, "Nakakasakit ka na ha!"

"Mas nakakasakit ka. Kung makapagsalita ka akala mo hindi masakit 'yang mga sinasabi mo. Wala ka talagang pakiramdam ka. Selfish ka. Selfish!" Namumula na ang mukha ni Honey sa inis at sa tingin ni Cyril nagbabadya na naman itong umiyak.

"Selfish talaga ako kaya 'wag kang magkakagusto sakin."

"Hindi talaga ako magkakagusto sa'yo kasi wala kang puso." Sigaw ni Honey.

"Kung wala akong puso e di sana patay na 'ko." Pabalang na sagot ni Cyril.

Tinignan siya ni Honey nang masama pero namumuo na ang luha sa mata nito. "Para ka rin naman talagang patay kasi nga wala kang puso!" At tuluyan nang umiyak si Honey.

"May puso ako!" Balik na sigaw ni Cyril kay Honey. "At tingin ko sayo tumitibok 'to!"

Parang umurong lahat ng luha ni Honey sa narinig. Napaawang ang bibig niya sa gulat, "Ha? Anong sabi mo?"

Pero bago pa man makasagot si Cyril biglang bumakas ang pinto at tumakbo papasok sina Ella, Karen, Josh at Greg. Hinili ni Greg si Cyril patayo at tinulak palapit kay Honey saka nila ito pinalibutan at niyakap.

"Yes! Finally!" Sigaw ni Karen.

"The best 'yung pag-amin!" Dagdag ni Josh.

Itinaas naman ni Greg ang dalawag kamay at saka sumigaw, "Solid CyNey forever!"

***

"Dylan?" Tawag ni Sophia kay Dylan na matagal nakatitig sa screen ng cellphone nito.

Para namang hindi siya narinig nang lalaki at sinagot na lang nito ang tawag. Sa unang salita pa lang ni Dylan bumigat na kaagad ang pakiramdam ni Sophia.

"Alisha?"

"Nababaliw 'yon pag gusto niya 'yung babae. Gaya nung nangyari sa ex niya, kay Alisha." Naalala ni Sophia ang sinabi ni Nate noong minsan na magtanong siya rito. Kaya ba ganoon na lang ang reaksyon ni Dylan dahil ang ex nitong si Alisha ang tumawag?

"Sige. Hinatayin mo ako." Narinig ni Sophia na sabi ni Dylan sa kausap. Hindi na siya mangiti dahil sa narinig. Gabi na pero sinabi ni Dylan sa kausap na hintayin siya nito. Ibig sabihin ay magkikita silang dalawa.

Nang putulin ni Dylan ang tawag at saka lang ito parang natauhan na nasa harapan niya nga pala si Sophia. Biglang nagbago ang expression ng mukha nito, mukha itong may itinatago. Pero kahit ganoon ay pinilit ni Dylan na umakto nang normal, hinawakan pa niya ang kamay ni Sophia. "Magpahinga ka na, baka mapuyat ka. Lalabas lang ako sandali may kikitain lang akong kaibigan, may emergency kasi siya at ako 'yung nilapitan."

Pinilit ni Sophia na ngumiti kahit na nasaktan siya na nagsinungaling si Dylan sa kanya. Siguro hindi nito alam na may alam siya tungkol kay Alisha. Ayaw naman munang ijudge ni Sophia ang ginawa ni Dylan, iniisip niyang may dahilan siguro ang lalaki. Pero hindi niya rin muna hahayaan ang sarili niyang tuluyan na mahulog kay Dylan. Ayaw niyang mas lalo siyang masaktan. "Mag-iingat ka."

"Salamat," Hinawakan lang nito ng marahan ang ulo niya bago nagmamadaling bumaba. Hindi na man lang ito nagpalit ng damit at dumeretso na ito sa baba para umalis.

Malungkot na pumasok si Sophia sa kwarto niya. Balak niya pa sanang hintayin si Dylan na makauwi pero pagod din siya ng araw na iyon.

Dala na rin ng pag-aalala kahit maaga siyang inantok, naging mababaw naman ang tulog niya. Kaya naman noong alas kwatro ng madaling araw, may narinig siyang sasakyan sa labas ng bahay nila. Agad na bumangon si Sophia at lumabas ng kwarto niya. Bumaba siya ng ilang hakbang sa hagdan sapat lang para matanaw niya si Dylan na kapapasok lang ng sala. Kararating lang nito. Ibig sabihin inabot ito ng hanggang madaling araw sa lakad niya.

Kahit ayaw man ni Sophia ay sumama na ang loob niya. Nagmamadali na lang siyang umakyat sa kwarto noong makita niyang paakyat na rin si Dylan. Nang makahiga na ulit siya sa higaan pinilit niya ang sarili niyang matulog kahit na ang totoo masamang masama ang loob niya at hindi matigil ang utak niya sa kakaisip kung saan ba talaga nagpunta si Dylan.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon