*HULING KABANATA

638 11 15
                                    

*HULING KABANATA

Tatlong taon ang lumipas mula nang namatay si Scarlett. "Kuya, chachama ako cha buyol ni ate Charlett ah." Sabi nang bunsong kapatid ni Lylan, two years old pa ito, kaya medyo nabubulol pa.

"Oh, anak, di ka pa nagbihis? Andyan na si Leah sa baba hinihintay ka, kami rin pababa na, ikaw di ka pa ba bababa?

"Sandali nalang po mommy."

"O sige, bilisan mo dyan ah, oh, honey, kargahin mo na si baby Scarlyn. Ako na ang magdadala ng mga bulaklak." Sabi ng mommy nya sa daddy nya.

"Halika ka na baby."

"Opo dhadhi."

Pagbaba ni Lylan mula sa kwarto niya, natanaw nya sa mataas na hagdanan ang kanyang pamilya kasama ang mahal nya na nagtatawanan. Tatlong taon ng lumipas ang pangyayaring iyon at medyo may kunting kirot pa rin sa puso nya.

"Ow, hubby, andyan ka na pala."

"Pasensya wifey, natagalan."

"Okay lang, ano ka ba."

"So, ano tara na?" Aya ng daddy nila.

Pagdating nila sa sementeryo, may dalawang taong nadatnan nila doon. Ngayon kasi ang 3 death anniversary ni Scarlett.

"Oh Cross, kayo pala? Kumusta na?" Bati agad ng mommy nila nang malapitan nila ito..

"Ito okay lang, medyo nakarecover na rin."

"Ano ka ba Cross, hahaha, wag nyo nalang yang pansinin, matagal na kaming nakamove on sa nangyari."

"Ahh, hahaha, ah nga pala, napadalaw kayo?"

"Ay,, oo nga pala.. Pupunta sana kami ngayon sa bahay nyo, kaso naisipan nitong nobyo ko na----

"NOBYO!??" Takang tanong ng mag-asawa sa dalawa.

"Hahahaha, hindi."

"Ahhhh.." Sabay ulit ng mag-asawa.

"Hindi nobyo kundi, FIANCE ko." Sabi ni Cross.

"FIANCE!??" Gulat na tanong ng mag-asawa sa mag fiance.

"Oo, hahaha, ano ba kayo gulat na gulat naman masyado.. O sya nga pala, ito oh, invitation card ng kasal namin next week sana pumunta kayo." Natatawang inabot nito ang isang invitation card na may wedding bells at puting bouquet of roses sa gitna.

"Oo naman, pupunta kami."

Dumating na ang araw ng kasal nina Cross at Yanna.

Masayang nakangiti si Yanna na naglalakad papalapit sa may altar kung nasaan naghihintay sa kanya si Cross. Parehong masaya ang dalawa.

Simula kasi nung namatay si Scarlett, nang mag desisyon sila na hiwalayan na nila ang mag-asawa. Masakit man sa kalooban nila, pero ginawa pa rin nila yun, dahil yun ang kahulihulihang hiling ni Scarlett bago sya mawala sa mundo. Ilang buwan ang lumipas noon at sila lang ang laging nagdadamayan at di naglaon nahulog ang isa't isa sa kanila hanggang sa may mangyari sa kanila. Pareho silang byodo't byoda na, dahil patay na rin kasi ang dating asawa ni Yanna.

Sina Zaitho at Althea naman, pinilit nilang ibalik ang dati para sa anak nila. Na kahit wala na ito sa tabi ng pamilya, alam nyang magiging masaya ito sa naging disesyon nila. Habang tumatagal, naging mabuti naman ang kanilang samahan, hanggang sa nagkaroon ulit ng bunsong kapatid si Lylan, si Scarlyn. Mahal na mahal nila ang batang ito, kagaya ng pagmamahal nila kay Scarlett. Di na sila nagkulang sa isa't isa, dahil kung meron man, babawi sila sa mga 'to.

"You may now kiss the bride."

Pumunta na sila sa reception ng bagong kasal na Mr. And Mrs. Verdalijo.

Sina Lylan naman at Leah, ay di na nakapunta sa kasal, dahil busy ito sa pag-aasikaso ng kasal rin nila, next week na ito gaganapin.

Sobrang saya ng pamilya nila nang magkaroon na ito ng kalayaan at maliwanag na rin ang buong bahay.

Masaya silang nagsasaluhan parati sa hapagkainan. "Hayy, sana, mommy, nandito si Scarlett, kasama natin."

"Ano ka ba, hubby, I'm sure kung saan man sya ngayon, masaya sya dahil alam nyang masaya na rin ang pamilyang iniwan nya."

"Oo nga naman anak."

Kung nakikita't nakakasama pa sana nila ngayon si Scarlett siguro ang saya saya nila ngayon. Pero kahit ganun, kung di dahil kay Scarlett, di ito mangyayari ngayon. Kaya lubos na pasasalamat nila kay Scarlett at nabuo ulit ang pamilya nila.

At naging masaya na rin ang lahat ng tao na naging parte ng buhay ni Scarlett. Kahit di naman nila ito nakapiling, masaya naman itong nakatanaw sa kanila mula sa ibabaw.

------------------------------------------------------

Edited

Pagkawatak-watak Ng Pamilya [A Short Novel] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon