*KABANATA ANIM

802 11 5
                                    

*KABANATA ANIM

Masayang masaya si Scarlett ngayon, dahil unti unting natutupad ang kahilingan nyang magkaayos ulit sila ng kuya nya. Gusto kasi nayang magkaayos ulit sila ng kapatid nya at makumbinsi itong umalis sa fraternity at para sila ng dalawa ang gagawa ng paraan para maging okay ang pamilya nila.

At ngayon, maligayang ligaya sya kasi, parang matutupad na ang kanyang kahulihulihang hiling sa buhay, ang makasama ang buong pamilya nya. Kaya kahit di dila kasama ang mga magulang nila ngayon, masaya pa rin sya dahil nakikita na nyang ngumiti ang kuya nya at magkasundo na ulit sila.

Pumunta sila muna sa restaurant ng magulang nila, may sariling restaurant kasi ang mga ito at dito na rin sila kumain ng pananghalian, kahit kakain lang ni Scarlett kanina, nagugutom na rin sya ulit, sa dinadami ba naman ba nilang pinuntahan at mag laro ng arcade, siguradong magugutom talaga sya. Lalo na ang kapatid nya na di pa kumain ng almusal.

Pagkatapos nilang kumain, pumunta naman sila sa mall na pagmamay-ari ng kuya niya, may sariling mall na rin kasi ito, at siya na mismo ang nagpapatakbo nito. Regalo kasi ito ng ama niya sa kuya nya noong grumaduate itong high school. Ang galante lang talaga ng pamilya nila. 18 palang ang kuya nya at 16 naman si Scarlett, pero matured na matured na ang kuya nya, dahil sa may pinapatakbo na itong isang business, nag-aadvance study kasi ang kuya nya, at magaling at matalino naman ito kaya madali lang nito nakuha ang mga lessons at pati na rin kung paano magpapatakbo ng isang business.

Pero gusto ni Scarlett ng normal na buhay kaya naman ito ay tumulad sa mga normal na kabataan ngayon.

"Kuya, park muna tayo. Magpapahangin lang."

"O sige, namiss ko rin tumambay dun ee."

Papauwi na sana sila sa bahay nila nang huminto sila sa park dahil yun ang sabi ni Scarlett. Na miss rin kasi nilang tumambay dito. Noon kasi, nandito sila palagi tumambay, masarap kasi tambayan dito. Napakapresko ng hangin parang walag pulusyon.

Habang naglalakad sila, may nakakuha ng atensyon ni Lylan, kaya tiningnan nya ito, at di nga siya nagkamali. Binalewala lang nya ito, kaso mukhang napansin rin ito ni Scarlett, nakita kasi nyang lumingon ito sa kinaroroonan ng dalawa.

"Kuya, di ba si daddy yan? At kasama nya si---Ate Yanna?! Anong ginagawa nila dito?"

Ang alam nya, umalis na ang ate Yanna nya at lumipad ito papuntang ibang bansa, pero bakit nakikita nya ito ngayon sa park ng subdivision nila?

"Ewan, di ko alam." Sabay tingin niyo sa kabilang direksyon.

"Tara kuya, lapitan na natin."

"Wag na.."

"E sige na kuya, di naman tayo papakita e, makikinig lang tayo."

"Hayy sige na nga."

Hindi naman kasi sya makapalag sa kakulitan ng bunsong kapatid nya. Nilapitan nila ito pero nasa likod sila ngayon ng malaking puno na nasa likod lang ng bench na inupuan ng dalawa. Medyo may kalayuan ang kinalalagyan nila pero rinig na rinig nila ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Oh, kanina ko pa napapansin ang lungkot mo at laging nakabuntong hininga. May problema ba?" Tanong ni Zaitho kay Yanna.

"Ah, ano kasi. Uhmm.. Ah.. Ano.. Uhmm.. A-no.. Paano pag malaman ng mga anak mo lalo na kay Scarlett---"

"Na may relasyon tayo??, hahaha, ano ka ba, ang negative mo naman. Im sure matatanggap ka rin nun. Wag kang mag-alala ako ng bahala sa batang yun." Anito sabay haplos sa mukha nito at niyakap ang babae.

"Talaga?"

"Oo, malapit na nga e."

"Bakit?" Napahiwalay sa yakap ang babae at tinitigan ang nakangiti na ngayong mukha ni Zaitho. "Kasi , pirma nalang ni Althea ang kailangan at tuluyan na kaming ma divorce." Nakangiting sambit nito.

Pagkawatak-watak Ng Pamilya [A Short Novel] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon