*KABANATA APAT
"Yaya, nasaan si mommy?" Bungad nyang tanong sa kanyang yaya.
"Umalis, kasama si Cross, ang aga aga nga nilang umalis ee."
"O sige, po yaya. Aalis lang po ako yaya ah, magpapahangin lang po ako sa labas." Paalam nya rito.
"Oh, kumain ka muna ng almusal." Alok ng yaya na agad namang tinanggihan ng dalaga. "Ay, mamaya nalang po yaya, di pa ako gutom e."
Uminom nalang sya ng juice. At lumabas na ng bahay.
Naglakad-lakad lang sya sa may park dahil presko talaga ang hangin dito kapag umaga pa.
Habang naglalakad sya, may dalawang tao na nakakuha ng atensyon nya. Nilapitan nya ang mga ito, dahil mukhang nahiwagaan sya sa mga inaasal nito. Parang seryosong seryoso at naguguluhan rin sya dahil maaga pa naman at dito na sa park tumambay.
"Kelan na ba natin sasabihin sa kanila ang lahat lahat?"
"Ano ka ba, wag kang mag-alala, malapit na."
"Sigurado ka ha??"
"uhh---hmm.."
"Tch, pahug nga??"
"M-mommy?? T-tama ba yung narinig ko??" maluha-luhang sambit nya sa ina.
"A-anak." Nagulat ito sa nakita nya. At bigla namang napahiwalay sa kakayakap kay Cross. "A-anak, hayaan mo kaming magpaliwanag."
"Ano?!! Sumagot kayo?!! Tama ba yung narinig ko, oo o hindi!!??" Bulyaw nya sa dalawa. Walang ano-anoy lumandas ang mga luha sa pisngi niya. Naninikip na naman ang kanyang dibdib. All this time, siya lang ata ang niloloko ng ina niya.
"Scarlett, huminahon ka , let me explain."
"Sagot." Mahinahon nyang sabi pagkatapos punasan ang pisngi.
"Anak, makinig ka---
"SAGOT!!!!" Di na nya napigilan at sumigaw na talaga sya.
"Oo, totoo lahat ng narinig mo." Pag-amin ng ina. Rumerehistro sa mukha ng anak ang sakit. "Kailan."
"Scarlett---"
"KAILAN!!!" Sigaw nyang muli at magkasunod na namang bumaha ang luha nya. Ayaw magpapapigil kahit anong gawin nyang pagpipigil.
"Matagal na, noong nalaman kong may kabit ang daddy nyo. Iyak ako ng iyak noon at tanging siya lang ang pwedeng masasandalan ko. Kaya di nagtagal nahulog ulit ang loob ko sa kanya." Paliwanag nya rito. Hindi naman maiwasang mapangiwi ang anak sa narinig.
"Bakit di nyo agad sinabi sa akin 'to?" Hindi makatingin ang ina nya nang tanungin sya nito. "Kasi, ayaw ka naming masaktan."
"AYAW MASAKTAN?" halos matawa sya sa narinig. "WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING RIGHT NOW???!!! HA??" duro nya sa dalawa. "SINAKTAN NYO NA NGA AKO E!!."
"Scarlett, huminahon ka, hayaan mo muna kaming magpapaliwanag---"
"Magpaliwanag? Hah!" sambit nito sa lalaki na may halong pang-uuyam. "Paliwanag na naman!" anito sabay punas ng pisngi. Hanggat maari, pipigilan nya muna ang sakit. Kaya pa naman.
"Alam nyo? Dyan naman talaga kayo magaling ee, ang magpaliwanag." sabi nya sa dalawa na ngayon ay puno ng pag-alala ang mukha. "At ano namang ipapaliwanag nyo? Na nagdadramahan lang kayo?? Umakting kayo?? Ano may shooting?? Hah! Ibang klase, sobrang galing ng drama nyo pang OSCAR awards pa nga ee!.. Grabe, ang ganda talaga!.." Punong-puno ng sarkastikong sabi ni Scarlett sa dalawa.
"At ikaw naman mommy, akala ko ba si daddy lang?? Pati rin ho ba kayo? Niloloko mo lang pala ako?? Pilit ko pa nga kayong pinagtanggol sa mga kumakalat na tsismis, yun pala totoo lahat yun??" baling nya sa ina. "Anong klase kang ina?! Ano nalang ang sasabihin ng mga tao tungkol sa'yo?? Ang isang Althea Myers ay isa palang sikretong malandi!! MAHIYA KA NAMAN!!!"
BINABASA MO ANG
Pagkawatak-watak Ng Pamilya [A Short Novel] ✔
Ficción GeneralPagkawatak-watak Ng Pamilya was a theme for a short play in one of my subjects way back High School. Where I've got the privilege and definitely my first time to write such genre. *** What can you do when your family is slowly breaking down? All Rig...