*KABANATA LIMA

875 13 4
                                    

*KABANATA LIMA

Tumalikod si Scarlett at malungkot na umakyat sa hagdanan.

"Manang, si Althea?" Tanong ni Zaitho sa katulong.

"Ah, si maam po?"

"Oo, alam mo ba kung nasaan sya?"

"Ay, hindi ko po alam, maaga po siyang umalis kanina e, lumabas sya, kasama yung kaibigan nya. Bakit po ba?" Sabi nito nang hindi nilingon ang amo.

"Ah, wala, wala may sasabihin sana akong importante. . . Mamaya na lang siguro."

"O sige po sir, maiwan ko po muna kayo."

"Sige manang , salamat."

Umalis na ang katulong nila at naiwan si Zaitho sa mesa, ilang segundo napapangiti nalang sya bigla. Buo na talaga ang desisyon nya. Sana maging okay lang ang lahat. Sa isipan nya.

Pagkatapos nyang kumain at ligpitin ang mga pinagkainan, umalis na agad sya ng bahay. Isa lang ang katulong nila, wala ngang guard sa bahay nila at wala rin silang driver. Pina-uwi nila lahat iyon, simula nung bigla nalang lumamig si Zaitho sa pamilya. Isang katulong lang ang naiwan, mabait kasi ito at alam nya lahat ng nangyari sa pamilya nila lalong lalo na sa loob ng pamamahay. Gusto kasi nila na wala ng makakaalam pang ibang tao kaya nila pinauwi ang iba pa nilang mga katulong o tauhan sa bahay.

Si Scarlett naman, ay lumabas sa sariling kwarto at tinungo ang kwarto ng kapatid.

"Kuya, papasok ako ha?"

"Okay."

Pumasok na si Scarlett sa loob at ang nadatnan nya ay ang kuya nyang nakatutok sa monitor.

"Kuya, kain ka muna, hindi ka pa raw kumain mula kanina sabi ni Yaya."

Sinaradu na nya ang pinto at nilapitan ang kuya nya.

"Hindi pa ako gutom."

"Ang tipid mo namang magsalita, wala bang mas mahaba dyan?" Pabiro nyang sabi sa kapatid.

"Ganito na ako e." Sabi ng kuya nya na hindi man lang siya tiningnan.

"Kuya, pwedeng magtanong?"

"Nagtanong ka na."

"Tss, kuya umayos ka nga."

Sabi ni Scarlett sa kapatid at umayos nga naman ito ng upo, yung pang army sit ang ginawa ng kuya nya. Naningkit ang mga mata ni Scarlett sa nakita. Asar na asar na talaga siya sa kuya nya, nagbago na nga ito.

"Kuya, seryoso 'to. Wag ka ngang ganyan."

"O sige, ano 'yon?"

"Kuya, anong nanyari sayo?" Bigla namang napatingin sa kanya ang kapatid.

"Bakit? May nangyari ba sa akin?" Umiwas ito ng tingin at tumingin ulit sa monitor.

"Kuya, yong totoo."

Mahinahon ang pagkasabi nya pero sa kaloob-looban nya, naiinis na talaga siya ng sobra.

"Alam mo na ang kasagutan sa tanong na 'yan."

"Kina, mommy't daddy ba?" Di sumagot si Lylan sa tanong ng bunsong kapatid.

"Okay, I'll take that as a 'yes'. Pero alam mo kuya, sa tingin ko, hindi naman 'yan tama."

"Ang alin?" Naguguluhan pang tanong ng kapatid. Kaya tumingin ito sa kanya na nakakunot ang noo.

"Yang pagsali mo sa fraternity, at yang pagsusungit mo parati. Di ka naman ganyan dati kuya."

Pagkawatak-watak Ng Pamilya [A Short Novel] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon