Magkadugo 27

67.6K 2.5K 964
                                    

Chapter 27
Greatest Honor



I need to be strong. Walang makakatulong sakin kundi sarili ko lang. Naisip ko rin na dinala ni kuya si papa dahil hindi ko makakaya kung nasa pangangalaga ko si papa lalo na't may gamot ito na kailangan. Kahit nga pambayad sa hospital ay wala ako. Di'hamak na estudyante lamang ako.

Nagkalat sa aking mesa sa kwarto ang tatlong libro at ang aking papel. Marami akong pinag aaralan. Mas gusto ko pang matayog ang aking kaalaman. Kahit hindi na angkop sa dapat pag aralan ko basta't nakuha nang atensyon ko, pinag aaksayahan ko ito ng oras.

Tumunog ang aking cellphone sa mesa. Pangalan ni tita Chimen ang nasa rehistro. Huminga ako ng malalim at sinagot.

"T-Tita.."

"Ara, ayos kalang ba? Sinabi samin ni Andre at Niko ang mga nangyari. Nag-aalala kami sayo. Gusto mo bang..pumunta kami diyan? Ara, sabihin mo lang kung ano ang pangangailangan mo dahil kapos ako bibigyan kita.."

"Tita I'm okay naman po. Wa'g kayong mag alala."

"Mabuti narin at nag abroad si Santi at dinala si Alfonso. Sana maging maayos na siya."

"Sana nga po tita.."

"Ara, basta tumawag ka kung may kailangan ka huh? Nag aalala kami ni tita Carmen mo."

"Ayos lang talaga ako tita isa pa...busy rin sa pag-aaral e."

"Sige, ingat palagi hija."

"Yes tita.."

Kakababa ko lang ng tawag ni tit Chimen nang may tumawag ulit. Binaba ko ulit ang ballpen at sinagot ito.

"Yes po?" nagtataka dahil sa unregistered number.

"Good day Ma'am. I am Sassy Cruz of Philippine Bank. I call to inform you about your newly open bank account."

"Huh? Po?" Ako may bank account?

"Yes po. If you have time ,please pafollow up po dito sa aming office. May konting pipirmahan lang po at pag uusapan."

"Uh, l-legit ba ito?"

She chuckled. "Yes po Ma'am. Actually, kailangan kolang kasi ifollow up saiyo to Ma'am. And uh, naglalaman po ito ng five hundred thousand pesos."

Oh god! "P-Pwede pong malaman kung sino po ang nag open ng account para sakin at naglagay ng p-pera?"

"Yan rin Ma'am...napag utusan rin kami na gawing pribado ang identity at pangalan ng taong ito Ma'am. "

Napaawang ang bibig ko. "Uh, sige po pupunta po ako bukas."

"Thanks Ma'am!"

Nasapo ko ang mukha. Hindi ko alam ng gagawin lalo na't malaki ang pera na iyon! May pambayad na ako sa ilaw,kurente at pambili ng sarili kong laptop!

Pinuntahan ko kinabukasan ang Philippine Bank at nakumpirma na totoong too ito. Hindi ako makapaniwala! Halos maiyak ako sa galak, pero kailangan ko rin magtipid. Di pwedeng magwaldas lalo na't studyante palang ako.

Nag withdraw ako at bumili ng branded na klase ng kagamitang pangguhit at pagpinta. Nahihiya kasi ako minsan na yung mga nabenta ko ay yari murang kagamitan lamang.

Napag isipan ko na magmuni muni muna sa isang parke. Kaharap ang tahimik na lawang napapaligiran ng mga bulaklak na lily. Kulay berde ang tubig at mga puno ang nakapaligid. Sa gilid ng puno ay may duyan at may batang nakaduyan doon.

Wala sa sariling nilabas ko ang papel at ginawang patungan ang aking biniling malaking notebook. Ginamit ko ang lapis habang ang isang lapis ay ginamit kong pang ipit sa aking mahabang buhok.

MAGKADUGO (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon