Maganda ang gising ko kinahapunan. Kagabi kasi ginawa ko iyong assignments ko. Kung kailan kasi ga-graduate na, doon ka naman tatambakan ng requirements at assignments.
Ginugusot ko ang mata habang pababa ako. Naabutan ko si mama sa kusina. Napabaling ang tingin ko kay Anna. Nakangiti ito sa akin agad.
"Hello ate Anna!" Bati ko rito at hinalikan siya sa pisngi. Ang ganda niya, bagay siya kay kuya. Kahit bad boy yon, at parang diwata itong si ate Anna bagay parin naman silang dalawa e. Kahit ganon si kuya ,hindi yon nangangaliwa.
"Anak, ikaw na bahala rito kay Anna ha? Marami akong aasikasuhing clearance ng mga studyante e."
"Opo, mama. Saan ba si kuya?"
"Nasa school pa at pauwi na yon kasi may gig pa siya mamayang gabi.."
Nakaalis na si mama at naiwan kami ni ate Anna. Ganon parin si ate, ang hinhin at tahimik.
"Ate, kamusta na pala? Matagal kang hindi napadalaw."
Ngumuso ito at ngumiti. "Pumunta kasi kami sa States diba?"
"Oh, bakit? Diba nag aaral kapa ate?"
Biglang lumungkot ang mukha nito.
"May importanteng bagay lang kasi kaming pinuntahan 'don ni mommy. Tsaka, di na siguro ako makakapasok.""Ha?Bakit naman?" Napainom ako bigla sa aking tubig.
Ngumiti ito at piningot ang aking ilong.
"Ikaw ha, ang daldal mo.""Ate naman kasi e..huwag ang ilong ko. Ang pango na nga yan e."
"Naku, anong pango! Magkamukha nga kayo ng kuya mo e. Ang tangos ng ilong at magaganda at gagwapong lahi."
Masaya ang aming kuwentohan buong hapon.
Lulan kami ngayon ng pick up ni Kuya Santi. Nasa backseat ako habang sila ay nasa unahan. Nakatingin lamang ako sa mga punong aming nadadaanan.
"Bakit mo ba ako sinama?"Narinig kong tanong ni ate Anna.
"Basta.." Maikling sagot ni kuya.
Napabaling ako sa harap at nakitang nakatingin sa akin si kuya gamit ng rearview mirror.
Umiwas agad ako at nagkunwaring kumakanta.
Boring kasi sa bahay, wala akong makausap doon. Kaya sumama na ako kay kuya at ate Anna.
Maraming tao na ng dumating kami sa Bistro. May mga uminom na at may mga pagkain. Kakatapos lang ng isang kanta.
Pinaupo kami ni Kuya sa mesa kung saan nandoon pala ang kanyang mga kabarkada.
Nag fistbump ang mga ito at napatingin ang iba sa amin ni Ate Anna.
Tulad ni kuya mga playboy rin ang mukha ng mga ito. Ngumiti ito at kumindat sa akin na ikinailing ko na lamang. Minsan ko na silang nakakasalamuha e.
"Dito kana Ara .." Si Julio sabay tapik sa gilid nito.
"Umayos ka Julio. Wag ang kapatid ko.." Tumawa naman ang iba at napakamot ng ulo si Julio.
"Bros before hoes mga pare!" Sabi naman ni William.
Pinaghila kami ni kuya ng silya at may inorder siya sa aming juice at pagkain. May binulong ito kay ate Anna at hinalikan ito sa noo.
Naalala ko bigla yong video ni kuya. Hindi si ate Anna ang babaeng iyon. Ayoko namang maghimasok sa relasyon nilang dalawa.
Napatingin kami sa mini stage kung saan pumwesto sila kuya. Naghiyawan ang mga babae.
"Santi ang guwapo mo!"
"Santi wala na akong panty!" Humalakhak ang mga nakarinig pate ako nabilaukan.
"Ate, ang daming may crush kay kuya no?"
Napapangisi na lamang si ate. "Sanay na ako diyan. Hayaan mo na.."
Not sure of you know this, But when we first met, I've got so nervous, I could'nt speak.
Kumalabog ang puso ko ng marinig ang boses nito. Ang lamig ng boses kasing lamig ng ekspresyon niya sa stage. Wala siyang pakealam sa mga humihiyaw sa pangalan niya.
Tinignan ko ang mga mata ni kuya at nakitang naka'y ate Anna ito.
Si ate Anna ay namumula ang mata. Sa kabila ng pamumula ng mata nito maputla naman ang labi nito. Kahit noon paman maputla na siya.
In that very moment,
I found the one and,
My life had found my missing piece.Nangilabot ako ng pumikit si kuya sabay strum ng gitara nito. Ang ganda ng boses niya..sobra.
So as long as I live I love you,
Will heaven hold you,
You look so beautiful in white,Napabaling ako kay ate ng umiyak na ito.
Hinawakan ko ang kamay niya at nalamang nanlalamig siya."Okay kalang ate?" Takang tanong ko.
Tumango ito.
"O-oo.."Hindi ako kumbinsido dahil ramdam ko ang panlalamig niya pero hinayaan ko nalang lalo na ng kinuha niya ang cellphone niya at vinideohan si kuya.
"Ganda ng boses ni kuya no? Collection mo mga videos niya ate?"
Umiling ito at mapait na ngumiti.
"Gusto ko kasing may ipunin lahat ng mga kinakanta niya. Araw araw kong pinapanood. Gusto kong, may remembrance siya sakin...."Nangunot ang noo ko.
And from now till my very last breath,
This day I'll cherish,You look so beautiful in white , Tonight...Tiningnan ko si kuya at nalamang nasa akin ang tingin nito pero umiwas agad. Hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya. Nakakahumaling ng boses niya. Presko lamang itong nagigitara habang kumakanta at sanay na sanay.
What we have is timeless,My love is endless, And with this ring I say to the world,
You're my every reason,You're all that i believe in,With all my heart I mean every word,
So as long as I live I love you,Will heaven hold you,You look so beautiful in white, tonight....
Tumayo agad ako bago pa matapos ito sa kanta. Ewan ko parang naninikip ang dibdib ko ng bumaba si kuya mula sa stage at tinungo si ate Anna. Mukhang isa itong surprise.
Pumasok ako sa isang cubicle sa loob ng comfort room at napatulala. Hindi ko alam ang iisipin. Parang nag eemote ako ngayon.
Pagkalabas ko ng CR naaninag ko sila kuya at ate Anna. Pumunta sila sa likod ng bar na ito kung nasaan may mga fountain at fairy lights.
Sinundan ko sila ng dahan dahan. Nakita ko silang nag uusap. Nakapamulsa lamang si kuya habang si ate Anna ay umiiyak.
Bakit siya umiiyak?
"Bakit hindi mo sinabi?" Malamig na boses ni kuya.
Hindi ko alam kung anong nangyari kanina e.
"A-Ayokong saktan ka..h-hindi ko alam kung p-paano ko sasabihin.."
Nakita kong tumingala si kuya at umigting ang panga.
"Kailan pa 'to Anna?" Medyo natakot ako sa boses ni kuya alam ko ganon rin ang nararamdaman ni ate Anna.
"Last y-year Santi. Please, forgive me hindi ko a-agad sinabi.."
Umiiyak ito at yumuyogyog ng balikat. Bigla siyang niyakap ni kuya ng mahigpit.
"B-Bakit...Anna...bakit."
"G-Gusto kitang makasama S-Santi. G-Gusto kong magpakasal tayo b-bago ako m-mawala.."
Napunit ang puso ko sa aking narinig. Nasasaktan ako.
BINABASA MO ANG
MAGKADUGO (COMPLETED)
Romance[Filipino Book] Mahal ko siya. Hindi ko kayang labanan ang aking nararamdaman hanggang sa lumipas ang panahon,parang ang pag ibig na naramdaman ko para sa kanya ay isang kumunoy, wala na akong pag asang makaalis o makaahon. Natuklasan ko na pareho...