Magkadugo 23

66.7K 1.8K 420
                                    

Chapter 23
Umalis

Hindi ko maialis sa isipan ko ang lahat na sinabi ni Flor. Parang nasampal ako sa katotohanan. She's right, nasanay lang ako na mula noon, si kuya Santi ang nagdedesisyon sa buhay ko. Wala akong ibang nakikita kundi siya.

Binawasan ko ang oras sa pagkikita kay kuya. Inabala ko ang sarili sa skwelahan at paintings ko.

Isang araw bumungad sakin ang bulong bulongan ng mga ka klase. Umupo ako sa upuan nang tabihan ako ni Pitchy, ang may crush kay kuya.

"Alam mo na ba ang bagong post sa Monreal College Confessions?"

"Huh? May ganun ba?"

"Oo page ng Unibersidad. Alam mo, ang latest post doon ay may magkapatid raw dito sa Unibersidad na magka relasyon. Kanina lang umaga iyon nakapost. Grabe! Lahat dito pinag usapan 'yun kung sino. At yung boy raw ay graduate na. Kaya magkakaroon raw mamaya ng meetings ang mga teachers kaya maaga ang uwian."

Fuck.

Nanlamig ang aking buong katawan. Ramdam ko ang panginginig ng aking kamay.

"Ayos kalang Ara?" Nagtatakang tanong nito.

Pilit akong tumango kay Pitchy. Wala akong maintindihan sa bawat nagdaan na oras. Kahit anong kataga ng aming guro ay hindi pumasok sa aking isipan.

I am afraid. Hindi ko na alam kung paano haharapin ang bukas. Baka isang araw, magising nalang ako na tinatawanan at pinandidirian ng mga tao. Baka isang araw alam na nila. At ayokong masira ang dignidad ni kuya ng dahil sa akin!

That day, hindi ako pumunta sa hospital. And I know kuya is busy too. Isang linggo ko ginugol ang utak ko sa klase. Hindi ko hinayaan na mawalan ako ng gana sa aking pag aaral. Eto nalang ang magiging daan ko para sa aming pangarap. Ayoko rin na masayang ang paghirap ni papa saakin ngayon.

Kinahapunan umuwi ako sa bahay at nagtaka ng kinukuha ng dalawang tao ang aming ref.

"Pa! Bakit kinukuha?"

"Ah? Yan ba?' Sira lang yan. Ibabalik rin pag naayos."

Tuluyan nang nalabas ang ref namin na bago pa ako makapasok.

"Bago yung ref natin di'ba pa? Paanong nasira?"

"Ah kasi...kasi biglang umusok kanina ang likod e." Umupo ito sa sofa. Pawisan ito at halatang pagod.

"Kamusta pala ang kuya mo anak?" Papa asked.

"Hindi pa po kami nagkikita papa e. Pero baka mapuntahan ko siya bukas."

"Sabihin mo..namimiss ko na siya."

Mapait akong ngumiti sa aking ama. I hugged him tight at hinagod ang kanyang likod.

"Lalaban lang tayo papa. Hindi magiging masaya si mama kung makikita niya tayong g-ganito."

Si papa ay naghahanap ng trabaho. Kaya siguro pagod siya ngayon.Mahirap mawalan ng ina. Mahirap lalo na't hindi pa ni papa matanggap hanggang ngayon ang mga nangyari. Kahit sa gabi naririnig ko siyang umiiyak at nagbabasag parin.

Ang sala namin na nabawasan na nang mga malalaking jar at plorera. Swerte na yung tv na naiwan at hindi pa nababasag.

Sa umaga bago ako umalis papuntang eskwela ay nagluluto muna ako para kay papa. Nahihirapan rin akong tipirin ang pera na mayroon ako. Marami ring bayarin sa eskwelahan!

Pinaghirapan kong lutuan si kuya ng menudo. Plano kong dalawin siya ngayong sabado. Ala una pa ang klase namin kaya pwedeng doon muna ako sa office niya bago pumunta sa school.

MAGKADUGO (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon