Tahimik kong pinapanood ang mga tao na nasa park. Today, she can't get the peace of mind na kadalasan ay hatid sa kanya ng view ng kanyang opisina.
"Not talking to me or looking at me, won't make me go away baby girl" narinig nyang sabi ni Gabe. Liningon nya ito, napahinga sya ng malalim.
"Sorry Kuya. Nag-iisip lang" humarap na sya at pabagsak na umupo sa kanyang upuan.
"It's been years Nikki" lumapit sa kanya si Gabe "I'm sure alam mo na you can't hide forever."
"I'm not hiding. May bago na akong buhay dito Kuya" depensa nya sa sarili
Naiiling syang tiningnan ni Gabe, "Kuya Ty needs us. The company needs us." Hinawakan nito ang kamay nya "our parents misses you. We all miss you, Nikki"
Nakunsensya sya sa sinabi ni Gabe. Alam nyang malaki ang pagkukulang nya sa mga magulang dahil taon na ng huli nyang nakasama ang mga ito at alam nyang hindi na rin bumabata ang parents nya.
"I didn't mean for these things to happen Kuya"
"Naiintindihan namin Nikki. Kaya nga hindi ka naman namin pinilit na baguhin ang desisyon mo noon. You know we always have your back. Kahit anong mangyari, kakampi mo kami"
"it was easier for me to be far away Kuya. I was in such a bad place that time and everything just reminds me..... " hindi nya magawang tapusin ang sasabihin nya
"You don't have to explain things to me, Nikki. We understand. As much as we want you to be with us, ikaw pa rin ang masusunod dahil buhay mo iyan and you know yourself better. Malaki ang tiwala namin sayo"
"I don't think I deserve that trust Kuya. I messed up."
"Stop that!" may galit na sabi ni Gabe "None of these were ever your fault. Gago lang talaga si..." hindi na natuloy ni Gabe ang sasabihin ng makita ang reaksyon sa mukha ni Nikki. "anyway, you really need to go back home. Kung pwede lang sana, kasama ko rin si Kuya Ty ngayon, but he can't afford to go out of the country right now dahil sa mga nangyayari sa kumpanya" kita ang galit sa mukha ni Gabe.
"Tell me, what's going on Kuya?" seryoso nyang tanong
"The board might take the Chairmanship from Kuya" maikli nitong sagot
"But how? We're still the majority shareholders! I can't believe na yung mga pamilya na kasama ni Dad noon pa will make a move like this. And the company is ours!" naguguluhan nyang tanong
"So, many things have happened Nikki. Hindi ko rin agad nalaman na malaki na pala ang problema ni Kuya Ty. He's been alone in managing the company for years" ramdam ko ang pagsisisi sa boses ni Kuya Gabe.
"I don't understand, di ba sa bank ka rin nagwowork?"
Umiling ito, "It has been years since I've been part of the company baby girl"
"What?! Bakit di ko ..." naputol ang pagtatanong ko ng marealize ko kung bakit hindi ako updated sa mga nangyayari sa pamilya ko. Nalungkot ako. "I'm sorry Kuya. I've been selfish"
"Don't think like that Nikki. May pagkukulang din ako. And we can still all work this out. We just need to stand strong"
"But you will tell me your story soon Kuya"
"Yes Nikki. I will when all these are settled." Tumayo na ito. "Should we start packing your things na?"
Natigilan ako at malungkot na tiningnan ang maliit kong opisina. Tatlo kaming nagsishare sa space na ito, pero ako lang ang andito ngayon dahil nasa field ang dalawa kong kasama. Malayo sa kurso kong tinapos noon sa Manila ang trabaho ko ngayon. Isa akong chartered accountant sa isang maliit na firm. Kumuha ako ng online course at license as soon as nakapagsettle kami ng bahay dito sa New York. Hindi malaki ang aming kumpanya, kaya hindi rin fixed ang oras ng work ko. Bagay na mas pabor para sa akin kaya hindi ko naisipan na mag-apply sa iba. Isa pa, di tulad ng isang malaking kumpanya, madali kong mapakiusapan ang may-ari na sya ring manager namin kapag kailangan ko biglang umuwi or hindi makapasok.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan Book 2
RomanceI thought we had it all. A fairy tale happy ending sa isang love story na nagsimula noong mga bata pa kami. But I was wrong. Wala palang happy ending para sa amin - Nikki